ASHLEY'S POV
Inalalayan ako ni kuya na bumama ng kotse. Nakalabas na kasi ako ng hospital at ngayon ay nasa tapat kami ng kompanya.
Dito ako dinala ni kuya pagkalabas ko ng kompanya, may ipapagawa daw sya sa akin. Hindi ko naman alam kung ano yon, basta sumunod nalang ako sa kanya.
Nang makalabas ako ng kotse ay inakbayan ako ni kuya para alalayan ulit. Naglakad kaming dalawa ni kuya papunta sa loob ng kompanya at ilan sandali pa ay nakapasok na kami ng revolving door.
O. O
Sa pagpasok namin sa loob ng kompanya ay natigilan ako.
Dahil ang lahat ng empleyado ng kompanya na to ay nakapila mula sa pintuan. Dalawang linya at lahat sila ay nakatayo ng tuwid, ang pila ay umabot hanggang hagdan.
Marahil ay may pila pa hanggang taas dahil tuloy tuloy ang linya ng mga ito.
Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lang silang lahat. Yumuko silang lahat nang makita nila kami ni kuya at sabay-sabay yon.
Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari.
Hanggang sa naramdaman kong yumuko si kuya at hinalikan ang side ng ulo ko at bumulong, "Ituro mo sa akin ang mga taong nanakit sayo."
Dahil sa sinabi ni Kuya ay namilog ang mga mata ko. Ang mga salita nya ay nagsimula ng bagabagin ang isipan ko. Lahat-lahat ng mga pang-aalipusta sa akin ng mga empleyado na to ay nag flashback sa akin.
Sobrang bilis kaya nag pout ako at nag crossed arms.
Binibigyan na ulit ako ni kuya ng kapangyarihan dito sa kompanya at isusumbong ko sa kanya lahat ng mga taong nang-away sakin.
Tinaas ko ang isa kong kamay at tinuro ang kanang linya, "Kuya yung sampung empleyado sa unahan ng linya na to. Inaaway nila ko." Then pointed the left row, "Tsaka yung apat na nasa gitna. Tsaka yun, yun pa! Yun pa!"
Pinagtuturo ko kay kuya lahat ng mga taong nanakit sa akin at nang-api. Napaka sama ng ugali nila at hindi nila deserve ang maging parte ng Redonzo's Telecom! Napaka laki ng sweldo sa kanila ni Adrian pero hindi sila mga professionals!?
Ilan sandali pa ay humagikhik si kuya at tumayo muli ng tuwid. Tumingin sya sa mga empleyado nyang pinagtuturo ko.
Ang mga labi nito ay nakangisi at mayabang syang chin up, "Lahat ng tinuro ng asawa ko. Pack your things ang leave the company coz you are all fired!"
I smirked.
ETHAN'S POV
Tinahak namin ni Ashley ang pila ng mga empleyado at madami-dami din namang naituro ang asawa ko. Siguro nasa 50 na tao ang naituro nya at wala man lang akong kaalam-alam na ganun na pala kadami ang mga empleyadong pinag-kakaisahan ang asawa ko.
Ilan sandali pa ay naituro na din ni Ashley ang lahat ng mga empleyadong nanakit sa kanya at lahat ng yon ay tinanggal ko sa trabaho.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...