I'm letting go of everything, Every, Single, Thing.

114 12 0
                                    

MARGAUXE'S POV

(Creaking door sound)



*Regain consciousness*





Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan dito sa kwarto ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko para alamin kung sino ang magbubukas ang pintuan.

Pero sa pagbukas ng mga mata ko.

(Gun loading sound)



Nakarinig ako ng sobrang daming pagkasa ng baril. Agad akong naupo dahil doon at nilingon ang direksyon ng pintuan.

Kasabay na din nito ay ang mabilis na pagkabog ng puso ko.

Tumambad sa akin ng napaka daming tauhan ni Khael, mga kasamahan ko na nakatayo sa gilid ng kama ko at tinututukan ako ng baril.

Miski si Steven ay nandito at tinututukan din ako ng baril. Tang ina, anong nangyayari dito?


"S-Steven." Mahinang bigkas ko habang nakatitig kay Steven.

"Patawad Margauxe, pero pinapadala ka ni Khael sa Philippine deep." Steven replied. Nanlake ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Steven at nanigas sa kinatatayuan ko.

"B-Bakit?" Pautal-utal na tanong ko dahil sa sandaling ito ay takot na takot na ako. Sa sandaling ito ay alam kong ito nalang ang huling araw ng buhay ko.

Kung dadalhin na ako sa Philippine deep, ibig sabihin lang ay tatapusin na ako ni Khael. Dahil lahat ng mga tauhan o kalaban nya ay doon lamang dinadala ng organisasyon namin para talian ng ball and chain sa binti at itatapon sa dagat.

Upang lunudin hanggang sa kamatayan nila. Kaya tinawag na Poseidon si Khael dahil ganun ang paraan nya ng pagpaparusa ng tao. Pinapatay nya yon sa ilalim ng dagat, at yun din ang dahilan kung bakit binansagan na Ma no Umi ang organisasyon na kinabibilangan namin.


Ngayon ay kabilang na ako sa mga taong dadalhin sa deepest trench ng bansang to upang tapusin ng pinuno namin.





"Margauxe, nag deklara na ng laban si Max. Naubos na ang pasensya sayo ni Khael kaya naman..." paliwanag sa akin ni Steven pero hindi nya matuloy ang sinasabi nya.

Hindi ako magawang titigan ni Steven ngayon, na kung pagmamasdan ko ay labag sa loob nya ang desisyon ng pinuno namin pero wala syang magawa dahil kahit sya ay walang laban kay Khael.

Pati sya ay papatayin ni Khael kapag lumabag sya, at ayaw nyang mangyari yon dahil may maiiwan syang pamilya.




"Halika na Oceanid." Muling sabi sa akin ni Steven. Nagbagsakan ang luha ko dahil sa sinabi nya at tinakpan ang mukha ko ng dalawa kong palad.

Dahil ayokong sumama, ayokong sapitin ang kabagsikan ni Khael. Oras na sumama ako sa kanila alam kong katapusan ko na.


"Oceanid---" -Steven



(Door slammed open)




"MARGAUXE!"

Tumunghay ako nang biglang mag bukas ang pintuan ng kwarto ko at nasundan yon ng malakas na pagsigaw mula sa pamilyar na boses.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now