KHAEL'S SURPRISE

122 14 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nasa banyo ako at kakatapos ko lang mag shower. Sinabi kasi ni kuya na isasama nya ako ngayon sa company para daw malibang libang ako at hindi mag-isip ng kung ano-ano.

Pumayag naman ako dahil ayokong maiwan dito sa bahay ng wala sya. Sa ngayon ay gusto ko munang magdidikit kay kuya, sya lang ang paraan ko para sandaling makalimutan ang sakit na sinapit ko sa pag abandona sa akin ni Max.

Pagkatapos kong mag shower ay sinuot ko ang bathrobe. Hindi kasi ako nakapag dala ng damit dito sa banyo at nasa wardrobe yon.

Kaya naman nang masuot ko na ang bathrobe ko ay naglakad ako papunta sa pintuan ng banyo. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ako doon.






(Creaking door sound)







Sa paglabas ko ng banyo ay nakita ko agad si kuya na nakaupo sa kama. May napatong na laptop sa lap nya at busy na busy na sya doon, pero nang marinig nyang mag bukas ang pintuan ay nawala ang pagkakatitig nya sa laptop at inilipat sa akin.

Medyo nailang ako sa ginawang titig ni kuya dahil nakita ko na nag di-dilate ang eye pupil nito habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko ay isa syang mabangis na lion na nakatitig sa isang kuneho.

"K-Kuya pwede bang lumabas ka muna hehe. Mag bibihis lang ako." Sabi ko sa kanya at nag shy smile.

Habang tinititigan ko si kuya ay nakikita ko ang labi nya na nababanat sa isang malawak na ngiti. Nanlake ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

"Kuya may problema ba?"

"Pwede ka namang mag bihis na nandito ako."

Namula ang mukha ko dahil sa sinabi ni kuya. Sa tingin nya ba ay papayag akong mag bihis sa harapan nya? Napaka manyakis talaga ng isang to.

"Lumabas ka nga kuya! Mag bibihis ako!" Sigaw ko kay kuya at nag crossed arms.

Sinara ni kuya ang laptop nya at inalis sa lap nya. Pinatong nya yon sa kama katabi nya at pagkatapos ay tumayo.

Nanatili kaming magkatitigan ni kuya habang humahakbang sya palapit sa akin. Ang labi ni kuya ay hindi nawalan ng ngiti.

Sa sandali din na to naramdaman ko na ang mabilis na pagkabog ng puso ko. Ang mga titig ng lalakeng nasa harapan ko ay nakakaparalisa na gusto ko mang itigil ang eye contact namin ay hindi ko magawa.

Tila nanigas na ako sa kinatatayuan ko.

Nang makalapit sa akin si kuya ay tumayo sya sa harapan ko ng tuwid. Napaka tangkad nyang nilalang na kailangan ko pang tumingala para lamang magkaroon kami ng eye contact.

Hanggang sa...

Yumuko si kuya. Ang mabango nitong amoy at yumakap sa kabuan ko, sobrang bango na pakiramdam ko mawawala ako sa katinuan.

Ang mukha namin ni kuya ay kaunti lamang ang layo sa isa't isa na halos mag dikit ang mga ilong namin.

"S-Stay away." Sabi ko dito at narinig ko pa ang boses kong nangatal. Ang isipan at puso ko ay nagwawala na at natataranta pero ang katawan ko ay nanatiling nakatayo sa harapan ni kuya.

Ni hindi ako makagawa ng hakbang palayo sa kanya.

Bakit ganito ang hatid ng lalakeng to sa pakiramdam ko.


BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now