FOR THE BABY

136 19 0
                                    

YEJI'S POV

Bumaba ako sa kotse ni Noah, buhat buhat ko si Iya sa mga braso ko dahil nakatulog na ito sa byahe.

Pumayag na kasi akong ihatid dito ni Noah.

Bumaba din si Noah sa kotse nya buhat buhat ang mga pinamili ko.




"Noah. Salamat, iwan mo nalang dito sa tapat ng gate ang mga gamit. Ipapasok ko nalang mamaya, ipapasok ko muna si Iya." Paliwanag ko sa kanya.


Nakatingala si Noah at nakatitig sa bahay. Ang mga mata nya ay namimilog na parang namangha sya sa bahay ni Max.




"You stay here?" Noah asked me.



I nodded.







NOAH'S POV

Kung ganun ay parang prinsesa naman pala ang buhay ni Yeji sa Max na to kaya pala hindi na sya umuwi sa akin.

Pero, kaya ko din ibigay kay Yeji ang kaginhawaang ganito! Minsan ang hirap intindihin ng mga babae.



"Noah. Papasok na ako sa loob ha." Sabi sa akin ni Yeji kaya inilipat ko ang tingin sa kanya.



Habang pinag-mamasdan ko ang nukha nya ay nakakaramdam ng pangungulila ang puso ko. Na sana ako nalang ang tatay ng anak nya, na sana sa bahay ko sya nakatira, sana ako nalang ang kasama nya sa araw-araw.




Hindi ko dapat hinayaan na mawala sa akin si Yeji noong una palang.


Tang ina kasi.








YEJI'S POV

Pumasok na ako ng gate nang mailapag na ni Noah ang mga pinamili ko sa tapat ng gate.

Tinahak ang pathway papunta sa front door ng bahay at nang makarating ako sa pintuan ay pumasok agad ako doon.

I closed the door.


Kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha ko. Pero hindi ko alam kung bakit nagbabagsakan sila, magulo ang nararamdaman ko sa mga oras na to.


Iniling ko ang ulo ko at pinahid ang mga luha ko. Naglakad ako papunta sa hagdan at umakyat doon. Nang makarating na ako sa ikalawang palapag ng bahay namin ay dumiretso ako sa kwarto.







(Creaking door sound)







Binuksan ko ang pintuan ng kwarto. I went on the bed, lowering my body then lay my daughter on the bed. Tulog na tulog pa din si Iya kaya napangiti ako.










(Creaking door sound)







O. o




Nang marinig ko na magbukas ang pintuan ay lumingon ako sa direksyon nito. Pero sa pagharap ko ay may tumambad na matangkad na lalake sa harapan ko at sinalubong ako ng yakap.










BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now