ADDITIONAL CHAPTER

220 12 2
                                    

One year later....





YUNI'S POV

"Claude, bilisan mo!" Sigaw ko kay Claude.

Nasa labas ako ng bahay at hawak hawak ko sa kamay ang anim na taong gulang kong anak na si Ace. Hinihintay kasi namin ang ama nitong napaka kupad.

Alam naman nyang hindi kami pwedeng malate.


(Creaking door sound)




Ilan sandali pa ay nagbukas na ang main door at nakita kong lumabas doon si Claude buhat-buhat ang anim na buwan naming taon na baby girl.

And she's Scarlett.

Kagaya ng buhok ng ama nya ay blonde din ito, pero sa akin ang pisikal na anyo nya at napaka gandang babae ng anak ko.


Naglakad palapit sa amin si Claude at, "Let's go."

"Tsss. Ang tagal." Sabi ko sa kanya at tinitigan sya ng masama. Humagikhik si Claude at hinawakan ako sa braso ko tsaka ako hinigit papunta sa kotse.

"Halika na, baka mamaya maka-anak na si Ashley dahil susungitan mo pa ako."

"Tsss."















...........................................................















Dumiretso kami Claude papunta sa hospital.

Pagkarating namin sa hospital ay dumiretso kami sa delivery room. Sa labas ng kwarto ay nakita na namin doon ang mga kaibigan namin at kagaya ng inaasahan ko ay kami ang na late ng asawa.

Napaka bagal kasi nitong si Claude.


Nandito sa labas ng laboring room si Cane, Valorine at ang kaisa-isa nilang anak na si Letizia. Habang natagal ay lumalaking bata si Letizia kaya over protective si Cane sa anak nyang babae.

Hinihintay ko nalang talaga ang reaksyon ni Cane kapag may nanligaw na sa anak nya.

Nandito din si Brix at Violet. Kasama din nila ang 3 years old twin nilang baby. Ang anak nilang babae na si Sky at ang anak nilang lalake na si Callisto.

Fraternal twins sina Sky at Callisto. Kamukhang kamukha ni Brix si Callisto at kay Violet nagmana si Sky. Alam mo yung parang little version lang nina Brix at Violet ang mga anak nila.



Syempre nandito din ang boss ng lahat. Si Adrian at ang asawa nitong hindi na nag mature. Kasama nila ang Heir na si Ares.

Katabi nila si Tita Riva. Buhat-buhat ni Tita Riva ang two year old na si Lincoln. Si Clint at Dillon ay nakatayo sa gilid ng lola nila at nakatitig sa pintuan ng delivery room.

Naglakad kami palapit sa kanila at tumingin sila sa amin.


"Kamusta si Ashley?" I asked them.


"Nasa loob pa sila ni Ethan." Sagot sa akin ni Valorine kaya naman tumingin nalang din ako sa pintuan ng delivery room.

Naupo ako sa tabi ni Valorine at iniimagine ko na kung anong nangyayari sa loob. Ilalabas na kasi ni Ashley ang fourth baby nila ano mang oras at excited na kaming makita yon.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now