DITE'S POV
Pauli-uli lang ako sa kwarto ko.
Si Ares ay nakahiga sa kama at natutulog. Ako naman ay kanina pang napapaisip kung lalabas ba ako ng kwarto para sabihin kay Mr. President ang mga nakita o hindi.
Kasi naman...
Nakita ko si Ashley na nag-iimpake kanina dito. Kasama nya si Geoff umalis ng bahay kasama sina Clint at Dillon.
Tapos sabi pa sakin ni Clint, sasakay sila sa airplane!
Pakiramdam ko aalis sila ni Geoff ng Pilipinas!
Dammit.
Hindi ko mahahayaan na umalis si Ashley ng Pilipinas tangay-tangay ang dalawang anak ni Mr. President!
Huminga ako ng malalim, nilakasan ang loob ko at naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko, humakbang palabas at tinahak ang hallway papunta sa kwarto ni Mr. President.
Nang oras na makarating ako sa kwarto ni Mr. President ay inangat ko ang kamay ko papunta sa door handle, and opened the door slowly.
(Creaking door sound)
Sa pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Mr. President na nasa may tapat ng picture window ng kwarto.
Nakatalikod sya sa akin, pero kahit nakatalikod sya ay alam ko na umiiyak sya.
"Mr. President..."
Mahinang tawag ko dito. Nahuli ko pa na dinala ni Mr. President ang kamay nya papunta sa mukha nya na parang pinunasan nya ang luha nya bago umikot at humarap sa akin.
Tinitigan ko si Mr. President.
Blanko lang ang binigay nya sa akin na tingin, pero kung tititigan mo ang mga itim nitong mata ay mararamdaman mo ang sakit na kinikimkim nito.
At sa mga oras na to ay hindi ko din mapigilang maawa sa kanya.
Hindi dapat nararanasan ni Mr. President ang bagay na to.
"Dite?"
"Uhm...Mr. President, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ko sa kanya. Tiningnan lang ako ni Mr. President, hindi sya nagsalita kaya naman muli akong nagsalita,
"Mr. President, umalis si Ashley kasama ni Geoff."
HARRY'S POV
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama, naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko at lumabas doon.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...