TWO PERSON IN ONE BODY

123 17 0
                                    

ASHLEY'S POV



Eh?

Bakit kaya hindi nalapit dito sina kuya? Hindi ba sila naniniwala na nandito kami?

Inangat ko ang kamay ko at hinigit paalis ang kurtina na nakatalukbong kay na Zion, Yuni, Valorine, Violet at Dite para patunayan kay na kuya na nadito talaga sila.





"Oh! Diba sabi ko nandito kami!" I shouted.







YUNI'S POV

Inalis ko agad ang pagkakayakap ko sa leeg ni Zion at ganun din si Zion. Inalis nya ang pagkakayakap sa bewang ko.

Pero kahit na inalis namin ang pagkakayakap sa isa't isa ay huli na ang lahat.

Mula dito sa gitna ng disco dance floor ay nakikita kong umuusok na ang ilong ng asawa ko sa galit. Napaka seloso ni Claude at ayaw na ayaw nyang nakikipagsayaw ako sa iba kaya sigurado akong lagot kami nito.






Tang ina kasi anong pumasok sa ulo ni Ashley at pinapunta nya dito ang mga lalakeng to!? Alam ba nya na bridal shower to ni Violet at dahil sa ginawa nya ay magkakagulo at magkakagulo dito!







"ZION!" malakas na sigaw ni Claude at dumampot ng butcher knife sa table na malapit sa kanya.





Dammit!






"Zion yuko!" Tarantang sigaw ni Valorine at hinawakan si Zion sa dalawang balikat. Pinayuko nya ang binata sa sahig at tinulak palayo.

Mabilis namang gumapang paalis si Zion at nawala sa paningin ng mga asawa namin dahil sobrang daming tao dito sa dance floor.




Si Claude ay nanulay sa mga balikat ng mga guest at wala na syang pakealam kung sino ang mga matapakan nya basta makalapit lang sya sa pwesto namin.

Nagkagulo na din sa paligid.






"Ahh! Anong nangyayari!?" Tarantang sigaw ni Ashley kaya tinitigan ko sya ng masama.

Binola ko ang mga kamay ko sa isang kamao para magtimpi kahit sa loob loob ko ay gusto kong suntukin tong si Ashley.

Pahamak sya!













ETHAN'S POV

Nawala si Zion sa paningin namin dahil yumuko ito sa gitna at gumapang paalis. Napaka daming bisita at ang hirap nyang hanapin.

Hindi ko akalain na nandito ang isang yon at nahuli pa naming minamanyak ang mga babaeng yon.



Talagang napaka tigas ng ulo ng batang yon. Kailangan nyang maturuan ng leksyon.








"Cane, pumunta ka sa exit. Ikaw naman kuya ay sa entrance door. Dun lang naman lalabas ang isang yon." Utos ko kay Adrian at Cane.

"Copy." -Cane/ Adrian


Naglakad na ang dalawa at pumunta sa mga lugar na sinabi ko para abangan si Zion.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now