PROBLEMS

128 17 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nakatitig lang ako kay Sir. Khael na nasa harapan namin ni kuya.

Humakbang sya papasok at mabilis akong hinawakan sa braso ko.






"Ashley kailangan nating mag-usap." Sir. Khael said and pulled me.






"Ahh! Sandali---" malakas na sigaw ko. Makakalabas na sana ako ng elevator dahil sa paghigit ni Sir. Khael pero mabilis akong hinawakan ni kuya sa braso at hinigit din.





Ngayon ay nasa pintuan ako ng elevator dahil hawak ni kuya ang braso ko dito sa loob at si Sir. Khael naman ay nasa labas.






Nagkatitigan pa ng masama si kuya at Sir. Khael.











Hanggang sa muling magsasara na ang elevator at maiipit ako nito kung hindi ako bibitawang ng isa sa kanila.


"Ahh!" Napapikit na ako ng madiin dahil maiipit na ako pero sa paglipas ng oras ay ang inaasahan ko na sakit mula sa pagkakaipit ay hindi dumating.

Muli kong binuksan ang mata mo para malaman kung paanong hindi ako naipit ng pintuan.







At sa pagmulat ng mata ko ay nakita ko na paulit na pinipindot ni kuya ang open door button sa loob ng elevator para hindi magsara ang pintuan at maipit ako.

Ganun din ang ginagawa ni Sir. Khael sa labas, pinipindot nya ang open door button para hindi ito magsara.



Muling nagbukas ang pintuan pero nanatili akong nasa gitna nito dahil ayaw pa din ako bitawan ni Kuya at Sir. Khael sa magkabila kong braso.






"Bitawan mo ang asawa ko." Kuya said in a dead tone at him.

Wala syang emosyon na nakatitig kay Sir. Khael at ganun din ang pinakitang emosyon ni Sir. Khael.

Ang mga mata nila ay nakapako sa isa't isa.

Naglalaban din ang mga nakakatakot nilang aura sa paligid. Ang aura ni kuya ay kulay black at Violet. Ang kay Sir. Khael naman ay asul at itim.






Lalo lamang akong natatakot dahil nasa gitna nila akong dalawa. Tila naiipit ako sa isang labanan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang na dyos.

Malaki ang katawan ni Kuya pero malaki din ang katawan ni Sir. Khael at kung tatansyahin ko ang labanan ay tabla lamang ang mangyayari.





O maaring umabot silang dalawa sa patayan.








Hindi ko alam, hindi ako makapag isip ng tama dahil sa nakakatakot na hatid ng itim na mata ni kuya at asul na mata ni Sir. Khael.















Nanatiling magkatitigan ang dalawang lalake sa magkabila kong gilid at sa paglipas din ng oras ay muling nagsasara na naman ang elevator.

Maiipit na naman ako at wala pading gustong umalis sa pagkakahawak sa braso ko sa isa sa kanila.








BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now