ASHLEY'S POV
Dinala ako ni Sir. Khael sa rooftop ng resort pagkatapos ng mga mangyari.
Ngayon ay nakatayo kami parehas sa may fence ng rooftop at parehas na nakapatong ang foreams namin dito habang nagmamasid sa dagat.
Ang araw ay tuluyan ng umakyat sa kalangitaan ang ang sinag nito ay tumama sa mukha naming parehas.
Tahimik lang sa paligid at ang naririnig ko lang ay ang malakas na hangin na tumatama sa mukha at tenga ko. Hindi ko kasi magawang makapagsalita dahil hanggang ngayon ay na ba-blanko pa din ako sa mga nasaksihan ko kanina sa hallway ng resort na to.
Ayokong maniwala pero ako na mismo ang nakakita.
"Stop crying." Sir. Khael said.
Dahil sa sinabi nya ay napagtanto ko na naiyak na naman ako. Kaya pinahid ko agad ang luha ko gamit ang dalawa kong kamay.
Ang sakit kasi.
Akala ko pa naman ok na talaga kami ni kuya, pero anong ibig sabihin nung nakita ko diba?
Bakit nya ako lolokohin kung sinabi nya sa akin na gusto na nyang ayusin ang pamilya namin? Kung sinabi nya na mahal nya ako?
"Oh."
Tumingin ako kay Sir. Khael nang sabihin nya yon. Nang oras na lumingon ako sa kanya ay nakita ko na inabutan nya ako ng isang lighter at yosi.
O. O
Tinitigan ko ang dalawang bagay na yon na nakaanggat sa harapan ko.
At habang tinititigan din yon ay naaalala ko din ang huling nangyari sa amin ni Sir. Khael noong unang beses kong sinubukan na gumamit ng yosi.
Naging aware din ako sa bahagyang pagpula ng mukha ko. Nakaramdam ako ng pinaghalong ilang at hiya kaya nag pout ako sa kanya.
"Ayoko nyan Sir. Khael."
Humagikhik ito sa akin at pagkatapos ay nagsalita, "Pag hindi mo tinanggap mapipilitan akong bugahan ka ulit ng usok sa bibig mo."
O//////////O
"Ahh! Ayoko nga!" Galit na sigaw ko sa kanya pero natigilan ako nang makita kong ngumiti sa akin si Sir. Khael.
Nakahalumbaba sya sa fence at nakatitig sa akin.
Ginamit ko din ang pagkakataon at tinitigan sya sa mata nya. Ang lalakeng nasa harapan ko ngayon ay may tinataglay na kakisigan.
Na kung iba siguro akong babae ay baka nahulog ako sa kanya kaso ako si Ashley.
Ang babaeng si kuya lang ang mahal kaya naman napaka labong mahulog ako kay Sir. Khael.
"Bakit hindi mo ulit subukan?" Sabi sa akin ni Sir. Khael at gusto nya talaga na mag yosi ako.
Tinitigan ko ang yosi at lighter na naka-angat pa din sa harapan ko.
Nung huling beses kong tinangka gamitin yan ay inubo lang ako ng inubo. Pero habang pinagmamasdan yon ay inaatake ako ng matinding curiosity ko.
Nagdidikta sa akin ang utak ko na subukan muli ang yosi para malaman ko kung bakit nakakaadik ang pagyoyosi para sa ibang tao.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansaAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...