MORE PATIENCE

114 17 0
                                    

ASHLEY'S POV


Sumunod ako kay Sir. Harry sa kitchen nila kasi sinabi nya na ipagluluto nya ako ng lunch hehe.

Gustong-gusto ko pa naman na kainin ang mg niluluto ni Sir. Harry kasi masarap syang mag luto. Tsaka ang dami dami nyang alam pagdating sa pag e-experiment ng pagkain.

Ilan sandali pa ay nakarating na kami sa kitchen ni Sir. Harry.



"Maupo kalang sa upuan at huwag kang makulit." Sir. Harry said at me.

Tumakbo ako palapit sa kanya at pumunta sa harapan nya. Ngayon ay nagsusuot na sya ng apron, pero topless pa din sya at naka pants lang.

Na kung makikita sya ng ibang babae sigurado akong kikiligin ang mga internal organs nila hehe.



Tiningnan ako ni Sir. Harry habang nagsusuot sya ng apron, "Sinabi ko sayong umupo kalang sa table---"


Iniling ko agad ang ulo ko at hindi pinatapos ang sinasabi nya, "Sir. Harry! Tutulong ako sa pagluluto!"

Tinaasan nya ako ng isang kilay at nang masuot na nya ang apron ay nag crossed arms sya. Sa itsura nya ay parang tutol sya sa alok ko na tulungan syang magluto.

Pero gusto kong magluto!


"Maupo ka nalang don. Baka sunugin mo lang ang kusina ko." He said and that made me red in the face.

Nag pout ako at binola ang kamay ko sa isang kamao upang kimkimin ang galit ko dahil naasar ako sa sinabi ni Sir. Harry.

"Hindi ko susunugin ang kusina mo! Tsaka marunong akong magluto!" Tumaas ang tono ko sa kanya habang dinedepensahan ko ang sarili ko.

Nakita ko ang bahagyang pagngiti nito at pagkatapos ay naglakad at nilagpasan ako.

Hinabol sya ng tingin ko.





Pumunta si Sir. Harry sa harap ng counter sink at naglabas ng mga cooking utensils. Then he slowly parted his lips, "Wear your apron."







O. O






Natahimik ako sa sinabi ni Sir. Harry at hindi nakakibo sa kinatatayuan ko. Ang mga sinabi nya ay sinusubukang i-interpret ng utak ko kung ano nga ba ang ibig sabihin nun.

Wear my apron?

Ibig sabihin ba nya ay pinapayagan nya akong tulungan syang magluto dito sa kitchen?






Muling tumingin sa akin si Sir. Harry nang hindi sya nakakuha ng kahit anong response sa akin. Ang mga labi nito ay nabanat sa isang ngiti at muling nagsalita, "Akala ko ba tutulungan mo ko? Ano pang tinatayo-tayo mo jan?"




"Ahh! Isusuot ko na!" Tarantang sabi ko at nagmadaling lumapit sa apron rack. Nang nakalapit ako doon ay kumuha ako ng isang apron at sinuot agad yon.

Sunod ay tumakbo ako papunta kay Sir. Harry at tumayo sa tabi nya. Narinig ko pa ang mahina nyang paghagikhik nang makalapit ako sa kanya.

Hindi ko na pinansin yon, tumingin nalang ako sa ginagawa nya.






"Uhm...Sir. Harry? Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya.






"Beef stroganoff."







Beef stroganoff? Ngayon ko lang narinig ang bagay na yon pero mukhang masarap hehe.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now