KHAEL'S POV
Nag check in kami ni Talia sa resort na to pagkatapos ng nangyari.
Nang oras na makapasok kami ni Tali sa loob ng resort ay sinara ko agad ang pintuan ng kwarto at humarap sa kanya.
"TALIA! WHAT ARE YOU DOING HERE!?" tumaas ang boses ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi mapawi ang galit na nararamdaman ko sa naging pisikalan namin ni Ethan.
Masyadong mayabang ang isang yon.
"SINUNDAN KITA! IKAW? IPALIWANAG MO SAKIN KUNG BAKIT NANDITO KA? PINUPUNTAHAN MO BA SI ASHLEY DITO!?" Galit na sigaw ni Talia at dahil sa mga salitang lumabas sa bibig nya ay natigilan ako.
Tinitigan ko si Talia at pinag-aralan ang galit nyang ekspresyon. Ang mga kilay nito ay madiin na magkasalubong at pinagdidikit din nya ng madiin ang ngipin nya.
"KHAEL! SI ASHLEY BA ANG PINUNTAHAN MO DITO!?"
"BAKIT KA BA TALIA SUMUNOD!?HINDI KA DAPAT PUMUNTA DITO!"
Hinawakan ni Talia ang dalawa kong collar at muling sumigaw sa akin, "DO YOU LIKE ASHLEY!?"
O. O
Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sa sinabi ni Talia.
Ang puso ko ay tumibok sa mabilis na paraan na nalito ako kung paano ko sasagutin yon.
Nakatitig sya sa akin at hinihintay na sagutin ko ang tanong nya pero pano ko sasagutin yon?
Pano kapag sinabi ko na Oo?
Magagalit ba sya dahil makakahadlang ako sa plano nya?
"KHAEL GUSTO MO BA SYA!?"
"I like her."
Tinulak ako ni Talia sa dibdib ko at sa mga oras na to ay nagpatakan na ang mga luha nya.
At masakit sa akin na makita na umiiyak ang mukha ni Talia.
"Khael, alam mong papatayin ko si Ashley kagaya ng pagpatay nila sa akin ni Ethan! Alam mo yan!" Talia cried at me.
Hinawakan ko ang braso ni Talia at hinigit sya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Sinubsob sa akin ni Talia ang naiyak nyang mukha.
"Talia gusto ko si Ashley, gusto ko lang sana syang isali sa organisasyon. Yun lang yon." Paliwanag ko sa kanya at binawi ang unang pag-amin ko sa kanya.
Yumakap sa akin si Talia at unti-unting tumigil ang pag-iyak nya. She raised her face to look at me, "Pero papatayin ko sya, hindi mo sya pwedeng isali sa organisasyon."
Ngumiti ako sa kanya at pinahid ang mga luha nya gamit ang sarili kong mga palad, "Nagbabaka sakali lang naman ako, pero ang reyna ko pa din ang masusunod."
Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay...
Protektahan si Ashley sa mga magiging balak ni Talia.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...