BEHIND THOSE EYES

139 19 0
                                        

ASHLEY'S POV

Nanatiling nakahawak sa collar ko ang lalake at nakaangat ako sa ere. Nakatitig lang ako kay kuya na nasa pintuan ng event room.

Magkasalubong ang kilay nitong nakatitig sa lalakeng nasa harapan ko. Kuya's eye pupil became dilated, ang mga kamay ay nakabola na alam kong galit na galit ito.



"Kuya!"

Sumulyap sa akin si kuya at muling tumingin sa lalakeng nasa harapan ko. Tinitigan din sya ng lalakeng ito.

Until kuya parted his lips, "Sino ang nagbigay sayo ng permiso na hawakan ang babaeng yan?" kuya said in a dead tone.

Ngumisi ang lalake dahil nayabangan sya kay kuya. Mas malaki ang katawan ng lalakeng to kesa kay kuya at pakiramdam ko hindi to kaya ni kuya.


"Maangas ka ha?" hagikhik ng lalake at pagkatapos ay binitawan ang collar ko. Bumagsak ako sa sahig at napaungot dahil sa bali na nasa binti ko.

Tinitigan ako ni kuya.

Hindi ko alam ang nasa isipan nya pero habang tinititigan ko sya ay nararamdaman ko ang nakakatakot na aura nito. Kumalat ito sa bawat sulok ng kwarto, na kahit na alam kong gusto nya akong protektahan ay hindi ko mapigilang matakot sa kanya.

Sobrang nakakatakot na hindi ko nagawang maiinda ang sakit na nasa binti ko, ang tanging nagawa ko lang sa mga oras na to ay titiginan si kuya.






"Kuya..."





Humakbang palapit sa akin si kuya. Nakatitig lang din sa akin ang asawa ko, at akmang makakalapit na sana ito sa akin pero...




"Kinakausap kita!" sigaw sa kanya ng malaking lalake at pinigilan sya sa paglapit sa akin sa pamamagitan ng pag hawak sa collar ng kuya ko.

Natigilan si kuya sa paglalakad at tinitigan ang lalake.

Ngayon ay masasabi ko na napakalaki ng agwat ng lakas ng lalakeng yon kung ikukumpara kay kuya. Malaki ang katawan ni kuya pero hindi sapat yon sa lalakeng kaharap nya.

But kuya remained calm.

Nagtitigan sila ng lalakeng yon. Hindi ko nakitaan ng pagkatakot sa mga mata ni kuya at nginisian pa nya ang lalake.


"Masyadong malakas ang loob mo bata!" sigaw ng lalake at inangat ang isang braso. Naka curl ang kamay nito at direktang tatama kay mukha ng gwapo kong asawa.

Napapikit ako ng madiin.

Narinig ko nalang ang tunog ng kamao nito, na alam kong natamaan na nya sa mukha si kuya.

Binuksan kong muli ang mga mata ko at nakitang may dugo sa gilid ng labi ng kuya ko.



Nagbagsakan ang mga luha ko, "Kuya!"



Nanatiling nakatayo ng tuwid si kuya. Hawak hawak pa din sya ng lalake sa collar nya.

Then kuya lifted his arm, pinahid nya ang dugo sa labi nya gamit ang forearm nya at muling ngumiti.


Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni kuya pero parang natutuwa lang sya sa kalaban nya.





"Pagbibigyan pa kita ng isang pagkakataon, pag-isipan mo kung talagang lalabanan mo ko." kuya said at him.

Tumawa ng malakas ang lalake, pero hindi ko sya masisise. Nakakatawa naman talaga ang sinabi ni kuya,  sa tingib ba nya ay kaya nya ang malaking lalakeng yan.




BUT LET ME TRY (SEASON 3)Stories to obsess over. Discover now