ASHLEY'S POV
Tinakpan ko ng dalawa kong palad ang mukha ko at umiyak ng malakas. Nanatili akong nakaluhod sa harap ni kuya kasi hindi ko na kayang tumayo pa.
Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil ang sakit tanggpin na umabot sa ganito ang lahat.
Na kailangan na naman naming maghiwalay ng asawa ko.
"I'm leaving." Narinig kong sabi ni kuya kaya naman mas lumakas pa ang pag-iyak ko. Inalis ko ang dalawa kong palad na nasa mukha ko at tumingala sa kanya na ngayon ay nakatalikod na sa akin at naglalakad na palayo.
Hindi na ko nakatiis dahil nilalamon ako ng sakit, "Kuya! Gusto mo bang makipaghiwalay sa akin dahil kay Talia?" Malakas na sigaw ko sa kanya.
Natigilan si kuya sa paglalakad at muling humarap sa akin.
Tinagpo ni kuya ang mga mata kong naniningkit sa pag-iyak. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha ni kuya, binigyan lang nya ako ng blankong tingin at hindi maganda yon sa pakiramdam kaya lalo pa akong napaiyak.
"Anong sinasabi mo?"-Kuya
Buong lakas akong tumayo, nang nakatayo ako ay dinala ko ang dalawa kong kamay sa mata ko at paulit-ulit na kinusot yon para pawiin ang mga luha kong nagpapatakan.
Pero tila gripo ang mga luha kong ayaw magpapigil sa pagbagsak.
"Kuya kaya ba gusto mong makipaghiwalay sa akin ay dahil hindi mo na ako mahal!? Dahil sa relasyon nyong dalawa ni Talia?" I cried.
Natahimik si kuya sa sinabi ko at hindi nya masagot ang tanong ko kaya naman dumoble ang sakit na nararamdaman ko.
Kasi sabi nila, kapag tahimik lang ang isang tao ay pag-sang ayon ang ibig sabihin nito.
"Kuya alam mo ba na ginagawa ko lang ang bagay na to para turuan ng leksyon si Talia! Para kapag nalaman na nya ang sakit ng maagawan ay baka lubayan ka na nya. Alam mo bang nagsakripisyo akong mapahiya sa mata ng lahat para lang sa kapakanan ng pamilya namin!" Pandidiretsya ko kay kuya habang nalulunod na ako sa sarili kong mg luha.
Patuloy pa din ako sa pagpahid sa kanila, kahit sobrang sakit na ng mata ko sa pagrub ko ng mga knuckles ko dito.
"Ash..."
"Kuya ginawa ko ang lahat para lang layuan tayo ni Talia pero kahit anong gawin kong tulak kay Talia sa buhay natin ay syang paghabol mo sa kanya! Ang I hate you kuya, sana hindi kanalang bumalik kung sasaktan mo lang ako ng paulit-ulit dahil lang sa babae mo!"
ETHAN'S POV
Damn.
Saan nanggaling yon Ashley? Bakit pinipilit mo na may relasyon kami ni Talia kahit wala naman!
Hindi kita kayang lokohin tang ina kasi mahal na mahal kita! Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin ang sitwasyon nating tatlo nina Natalie.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...