ASHLEY'S POV
Nasa sala kami ni Geoff at nakikipag laro kay Clint at Dillon. Gumagawa kami ng tower gamit ang mga blocks.
"Mas mataas ang block namin ni Daddy Geoff!" Tuwang tuwang sabi ni Clint dahil sila ang mag kakampi ni Geoff.
Kami naman ni Dillon ang mag kakampi. Pero sa tuwing tumataas na anh tower blocks namin ay gumuguho muli ito kaya nag sisimula ulit kaming gumawa ni Dillon ng bago.
Nag pout na si Dillon na alam kong naiinis na din sya kasi paulit ulit na bumabagsak ang tower namin.
"Wag ka mag alala Dillon. Tatalunin natin ang Daddy Geoff mo." I said at Dillon and hugged him. Hinalikan ko ng madiin ang pisnge nya.
Nang oras na alisin ko na ang labi ko kay Dillon ay tumakbo naman palapit sa akin si Clint at yumakap. "Mommy kiss."
Dahilan para mapahagikhik ako dahil nainggit pala si Clint nang halikan ko si Dillon. So I lowered my head and kissed Clint on his cheeks.
Then Clint giggled.
Cute.
GEOFF'S POV
Sa gitna ng pag lalaro naming apat nina Ashley, Clint at Dillon ay tumayo si Clint.
Nag lakad sya palapit sa akin at yumakap sa leeg ko. Ang ulo nya ay sinubsob nya sa balikat ko at alam ko na ang ganitong kilos ni Clint.
Tumingon ako sa gilid ko para makita ang mukha nya. Kagaya ng inaasahan ko ay pumikit na ang mata nito at ano mang oras ay mawawalan na sya ng malay.
Hindi ko napigilang halikan ang gilid ng ulo nito.
Napalapit na sa akin si Clint at Dillon, sa pag lipas ng taon ay natuto ko na silang mahalin na parang sarili kong mga anak.
At gagawin ko ang lahat para kay Clint at Dillon. Ganun din sa ina nila.
Ilan sandali pa ay nag lakad na din palapit sa akin si Dillon at yumakap na din sa akin. Kagaya ng kuya nya at sinubsob nya ang mukha nya sa kabila kong balikat.
Pftt.
Both cute.
Tumayo ako at binuhat ang dalawa kong anak sa braso ko. "Ok, bed time." I chuckled.
Humarap ako kay Ashley, at nakita ko syang nakaupo pa din. Nakatingala sya, tinititigan ang mata. Napaka lalim ng tingin nya na para bang tuwang tuwa syang makita kami nina Clint at Dillon sa ganitong sitwasyon.
Hanggang sa ang mga labi nito ay kumurba sa isang tipid na ngiti.
Tumayo sya at nag lakad palapit sa akin, ang dalawa nyang braso ay binuka nya. Wrapping it around my body.
"Thank you Geoff...hindi mo alam kung gaano ako ka thankful na dumating ka sa buhay namin nina Clint at Dillon." Mahinang bigkas nito.
Dahilan para mapangiti ako, "Hindi Ash...ang totoo mas swerte ako dahil natagpuan ko kayong tatlo."
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...