ADRIAN'S POV
"ETHAN!" -I
Damn.
Kahit anong gawin ko ay hindi na nagpapapigil ang isang yon. Tuloy-tuloy sya sa pag langoy nya papunta sa direksyon nina Ashley.
Kaya naman wala na din akong nagawa kundi ang agad na maglangoy kasunod nya kahit nakasuot ako bg office attire dahil alam ko na ang mangyayari kapag nakalapit sya kay Khael.
Sumunod din sina Phoebe, Kit at Leo.
"Ahh! Kuya wag!" Habang naglalangoy ako ay narinig ko na ang malakas na sigaw ni Ashley.
Sigurado akong nakalapit na si Ethan sa posisyon nila.
Kaya mas binilisan ko pa ang paglangoy ko.
ASHLEY'S POV
Mabilis na nakarating si kuya sa harapan namin.
Nang makalapit sya sa amin ay tinangka pa kaming ilayo ni Sir. Khael nina Clint at Dillon pero...
Sinunggaban ni kuya ng suntok si Sir. Khael at sa suntok na ginawa nya ay lumubog ang boss ko sa tubig kasama kamina nina Clint at Dillon.
Pero saglit lamang kaming lumubog dahil naramdaman ko ang malakas na braso ni kuyang pumulupot sa bewang ko at hinigit ako paangat sa tubig.
Sa pag-angat namin sa tubig ay syang paglanghap ko ng hangin. Kasunod na din noon ay ang pag-iiyakan nina Clint at Dillon.
Marahil ay natakot sila sa nangyari o kaya naman baka nalalunok sila ng tubig.
Naglangoy si kuya palayo yakap yakap kami.
"WHAT'S WRONG WITH YOU!?" -Sir. Khael
Pero mabilis na umahon ng tubig si Sir. Khael at lumapit sa amin. Nagpakawala sya ng suntok papunta kay kuya at sa pangalawang pagkakataon ay lumubog na naman muli kami sa tubig nina Clint at Dillon kasama ni kuya dahil sa suntok ni Sir. Khael.
Aahon sana si kuya pero lumubog si sir. Khael sa tubig at muling sinuntok si kuya.
Nabitawan kami ni kuya at ngayon ay nagsimula na aking mataranta para kay na Clint at Dillon. Dahil unti-unti kaming lumulubog ng mga anak ko sa tubig.
Si Kuya at Sir. Khael naman ay nakalubog pa din sa tubig at nagpapakawala ng suntok sa bawat isa.
Niyakap ko lang si Clint at Dillon sa braso ko. Sinubukan kong igalaw ang paa ko para tumaas sa tubig pero walang epekto.
Lumulubog at lumulubog kami ng mga anak ko.
Hanggang sa...
May isa pang braso at humawak sa magkabila kong bewang. Hindi ko muna magawang tingnan kung sino ang taong yon dahil sa kalagayan naming tatlo ng mga anak ko, pero naramdaman kong lumangoy ito pataas sa tubig dala-dala kami nina Clint at Dillon.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Любовные романыAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...