ASHLEY'S POV
Nasa bahay na ako dahil umuwi na kami ni Dite simula nung nangyari sa canteen.
Ayoko na din naman mag stay don kasi, kami lang ang tino-topic ng mga empleyado sa kompanya. Akala mo naman kung sinong mga perpekto kung manghusga!
Tao din naman ako hindi ba, bawal ba ako magkamali! Kung may mga kasalanan man ako pinagsisihan ko yon at handa akong magbago.
Sigh.
Pinahid ko ang mga luha ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa banyo namin.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim. Inaalis sa isipan ko lahat ng panghu-husga sa akin ng mga tao.
Nang makarecover ako ay tinalikuran ko na ang salamin. Naglakad na ako papunta sa may pintuan ng banyo at lumabas doon.
Nang makalabas ako ng banyo ay...
"Ash..."
O////////O
Halos tumalbog ang puso ko nang makarinig ako boses ng tao sa loob ng kwarto namin ni kuya. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang matangkad na lalakeng nakaupo sa lounge sofa.
And that made my heart pound.
"Kuya."
ETHAN'S POV
Umuwi agad ako sa bahay dahil nag sumbong sa akin ang head chef ng kompanya na nagbasag daw si Ashley ng mga kagamitan sa canteen dahil nagalit ito ng may isang empleyado ang nakasanggi sa kanya.
Pinagtangkaan pa daw ni Ashley na saktan ang head chef at talagang walang kadala-dala ang babaeng to.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.
Ngayon ay nasa kwarto namin ako, nakaupo sa lounge sofa at tinititigan ang asawa kong kalalabas lang ng banyo.
Nakasuot ito ng bathrobe, ang buhok ay basa pa na alam kong katatapos lang nyang maligo.
"Kuya bakit nandito kana?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at humakbang palapit sa kanya. "Anong pumasok sa isipan mo at nagbasag ka ng plato sa canteen? Talaga bang ganyan na yang ugali mo." Sinabi ko yon sa blankong tono habang naglalakad palapit sa kanya.
"H-Hindi kuya!" Tarantang sabi sa akin ni Ashley. Namimilog ang mata nyang nakatitig sa akin.
"Lying again? Ang daming saksi sa ginawa mo. Hindi ba at tinangka mo pang sampalin ang head chef---" sabi ko rito pero nang makarating ako sa harapan nya ay natigilan ako.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...