TORN BETWEEN TWO GUYS

133 16 0
                                    

ASHLEY'S POV

Pumunta kami ni kuya sa park.

Niyaya ko kasi sya dito dahil gusto ko munang mahanginan kami at makapag relax relax pagkatapos ng mga nangyari.

Lahat nalang sakit sa ulo at gusto ko munang makapaglibang kaming dalawa kasama sina Clint at Dillon.






Nakaupo ako sa picnic mat habang kumakain. Pinapanood ko sina Kuya, Clint at Dillon na nagtatakbuhan at naglalaro sa park.

Tahimik lang sa park dahil kami lang ang tao dito. Lunes kasi ngayon kaya karamihan siguro ng mga tao ay nasa work, tamang pahanon lang to para masolo namin ang park ng ayos.


Pinanood ko lang sina Kuya at ang dalawang bata sa napaka lawak na bermuda grass. Ang araw ay nasa langit pero hindi ganun kainit ang hatid ng sikat nito, tama lamang sa panahon.

Napaka dami ding mala cotton candy na ulap sa langit at ang sarap sarap nilang pagmasdan. Ang hangin ay napaka lamig dahil napaka daming puno dito.

Tama lang talaga na pumunta kami dito dahil ang kapayapaang hatid ng paligid ay pinapakalma ang magulo kong isipan at ganun din ang mabigat kong dibdib.








"Mommy!"







Nawala ako sa pagkakatulala ko sa mukha ni kuya nang marinig kong tawagin ako ni Clint. Mula sa pagkakatitig ko rito ay inilipat ko ang tingin sa anak ko.

Nakitang tumatakbo palapit sa akin si Clint habang nakangiti.






Nang oras na makalapit sya sa akin ay hinawakan nya ang kamay ko at hinihigit ako. "Mommy sumali ka samin ni Daddy at ni Dillon!"

Sumali?

Lumingon ako kay kuya dahil sa sinabi ni Clint. Tiningnan ko sya upang malaman ko kung anong reaksyon nya, nangangamba kasi akong baka mamaya ay ayaw nya akong sumali.

Ayokong sirain ang pagkakataon.




Masaya si kuya at ang makitang nakangiti ang tatlong taong to ay kinukumpleto ang araw ko at minamanhid ang sakit na nararamdaman ko.

Kaya ayokong sirain ang kasiyahan nila.







Pero nang humarap ako kay kuya, nakita kong nginitian nya ako. Nag shy smile din agad ako sa kanya hanggang sa binuka nya ang labi nya at...




"Join us." He mouthed.






He made my heart skipped a beat.

Dahil sa sinabi ni kuya ay hindi ko na din naman natanggihan pa si Clint. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit sa kanilang dalawa ni Dillon habang akay-akay ni Clint ang kamay ko.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa kanila ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko.



Ang hangin ay humahampas sa akin at sini-sway ang buhok ko at shirt ko sa banayad na paraan.

Ganito din ang kabang nararamdaman ko nung mga panahon na inihahatid na ako ni mom sa harap ng altar para ikasal ako kay kuya sa Hawaii...

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now