PAST VS. PRESENT

143 20 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nasa bathtub kami ni Geoff, nakayakap ako sa leeg nya habang ang mga labi namin ay magkadikit. Hinahalikan ang bawat isa, na sa mga oras na to ay bumigay na ako.

Gusto kong ayusin samin ang lahat ni kuya pero hindi ko mapigilang mahalin pa si Geoff habang tumatagal. Ang mga kamay ni Geoff ay humahaplos sa batok pababa sa likod ko.

Ang faucet sa tub ay bukas at hinahayaan lang naming tumagas ang tubig. Hindi namin mabitawan ni Geoff ang isa't isa kaya hindi namin maisara ang faucet.

Naririnig ko ang tunog ng pagbagsak ng tubig sa sahig, kasabay ng mahinang pag-ungol ko dahil sa tindi ng halik ni Geoff.



Hanggang sa hinawakan ni Geoff ang dalawa kong bewang at pinaupo ako sa mga hita nya. Nararamdaman ko ang matigas na pagkalalake ni Geoff sa ilalim ng boxer nya na alam ko kung gaano ako gustong gustong angkinin ni Geoff pero nagtitimpi sya.














"ASHLEY!"











O. O








Inalis ko ang labi ko kay Geoff dahil narinig ko ang boses ni Kuya. Ilan sandali pa ay nag bukas ng malaki ang pintuan ng banyo.

At nakita ang galit na galit na matangkad na lalakeng pumasok sa banyo. Nang oras na marecognize kong si Kuya yon ay nagbagsakan na ang mga luha ko.







"KUYA WAG!" malakas na sigaw ko nang tumakbo sya palapit sa bathtub at sinuntok si Geoff sa pisnge.

Mabilis na tumayo si Geoff at gumanti ng suntok kay Kuya. Umalis din ako ng bathtub para pigilan sila dahil nag papalitan na silang dalawa ng suntok sa isa't isa.



"KUYA WAG!"









ADRIAN'S POV

Pagkapasok ko sa kwarto ni Ashley ay narinig ko na ang malakas na pag iyak ni Ashley. Nasundan pa yon ng pag iyak ni Clint at Dillon dahil natatakot ang dalawang bata sa inaasal ni Geoff at Ethan.

Tumakbo ako papasok ng banyo dahil nandoon ang mga taong yon.

Si Ashley ay pilit na umaawat pero hindi mag papigil ang dalawang lalake.





Tang ina. Ito na nga ba ang sinasabi ko, aabot at aabot sa ganitong punto ang dalawa to.




"Ash!" -I

Hinawakan ko si Ashley sa braso at hinigit palayo sa dalawang lalakeng nagsusuntukan dahil baka masaktan ito. Lumapit ako sa sink at kinuha ang nakapatong na bathrobe doon at ibinalot yon kay Ashley.



Ilan sandali pa ay nakarating na sina Claude, Cane at Brix.

Natigilan sila nang makita nilang nagsusuntukan sina Ethan at Geoff. Namimilog ang mata at alam kong hindi nila alam kung anong gagawin.




"PIGILAN NYO!" sigaw ko sa kanilang tatlo dahil hawak hawak ko si Ashley at hindi ako pwedeng umawat. Kung papakawalan ko si Ash ay baka masaktan lang sya dahil lalapit at lalapit sya kay Geoff at Ethan.





BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now