We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

FOUND OUT BUT NOT THE TRUTH

126 15 0
                                        

ASHLEY'S POV

Kanina pang humahagikhik si Yuni na alam kong pinagti-tripan nya ako kaya naman nakasubsob lang ang mukha ko sa table.

Hindi ko alam kung paano ko sya titingnan pagkatapos kong aminin sa kanya na totoong may gusto na ako kay kuya.

Sigh.

Huminga ako ng malalim at tumunghay. Tinagpo ko ang mga tinging ni Yuni. Patuloy lang sya sa paghagikhik kaya naman nag pout ako sa kanya.

"Yuni! Sabihin mo na sa akin kung bakit kami nag divorce ni kuya!" I said at her.

Ilan sandali itong humahagikhik at pagkatapos nyang pakalmahin ang sarili nya at tumingin din sya sa akin. "Fine sasabihin ko na."

Binuhos ko ang buo kong atensyon kay Yuni dahil sa sinabi nya. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita, "Plano nyo lang naman ni Ethan ang divorce divorce na yon." Yuni said.

Dahilan para mapataas ang isa kong kilay.

"Plano?" I asked.

Yuni nod her head and speak again, "Oo Ashley. Plano nyo lang yon. Nakipag hiwalay sayo si Ethan para makipag landian ka sa boss mo."

Nanlake ang mga mata ko dahil sa natuklasan. Kasi bakit ako makikipag landian sa boss ko? Tsaka sino naman ang boss kong yon?

Wala akong matandaan.

Nanatili akong tahimik habang nakatitig lang kay Yuni at pagkalipas ng ilang segundo ay nagsalita na ulit sya, "Kalaban kasi ng pamilya nyo si Khael Elacion, kaso bet ka ng boss mo so pinain ka ni Ethan para dito."

O. O

Khael Elacion?

Hindi ba at...Elacion din ang apelido ni Max?

Pinakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakikinig kay Yuni. Hindi ako makapaniwala na palabas lang ang divorce namin ni kuya.

Ibig sabihin pala ay mahal nya talaga ako.

Pero bakit sinasabi sa akin ni Max na masamang tao sina kuya.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

Naging mabuting tao sa akin si Max at ganun din si kuya. Kaya ang hirap mag desisyon kung sino nga ba talaga ang paniniwalaan ko.

"Yuni bakit naman pinain ako ni kuya?" Muling tanong ko sa kanya pero nag shrug nalang si Yuni ng balikat nya na ibig sabihin lang ay hindi na nya alam.

Kulang ang detalyeng nakuha ko kay Yuni.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Sinundan ako ng tingin ni Yuni, "Oh saan ka pupunta?" She asked me.

Hmm...

Kailangan kong malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Yuni. Kung totoo bang plano lamang namin ni kuya ang lahat lahat.

Kakausapin ko si Khael Elacion!


"Mauna na ko Yuni. May gagawin lang ako." Pagkasabi ko kay Yuni noon ay tinalikuran ko na sya at agad akong tumakbo palayo.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Stories to obsess over. Discover now