ADRIAN'S POV
Pinanood ko si Ethan na nasa harapan ko na pauli-uli habang paulit-ulit na kino contact ang number ni Ashley.
Nasa sala kami, nakaupo ako sa lounge sofa at kalong kalong si Ares sa mga hita ko.
Hanggang sa napikon na ang lalakeng nasa harapan ko at ibinato ang phone nya sa sahig. Yumakap naman agad sa akin si Ares dahil natakot yata ang anak ko sa inasal ng ninong Ethan nya.
Naupo si Ethan sa lounge sofa at pinatong ang dalawang siko sa tuhod nya tsaka madiin na nirub ng palad nya ang mukha nya ng paulit-ulit.
Talagang sakit sa ulo sa kanya si Ashley.
"Ethan, kumalma ka. Baka naman dinaanan lang si Ashley." Mahinahong sabi ko sa kanya.
"Dinaanan? Kuya, gabi na pero wala pa din ang babaeng yon!? Tsaka kung saan-saan ko na sya hinanap sa labas!" Tumaas ang boses nito sa akin at nang makita nyang natatakot na nya si Ares ay kumalma sya.
"I-I'm sorry." -him
Hmm.
Talagang masisiraan na ng bait ang isang to sa paghahandle kay Ashley. Danas ko ang nararanasan nya dahil apat na taon na ako ang nag handle kah Ashley, mabuti nalang ay nakatulong ko si Geoff.
O. O
Speaking of Geoff.
Hindi kaya...
"Ethan." Tawag ko sa kanya kaya muli syang tumingin sa akin. Tahimik lang sya at hindi nagsasalita, minabuti kong magsalita muli, "Baka pumunta si Ashley kay na Geoff."
Kasabay ng mga kataga ko ay ang pamimilog ng mata ni Ethan.
"No. Hindi sya pupunta doon, walang dahilan." Angal nya. Kagaya nya ay yun din ang iniisip ko, imposible na pumunta pa doon si Ashley. Wala ng rason dahil nasabi naman nya na si Ethan na ang pinili nya.
Pero...
Napuntahan na namin lahat ng kakilala namin na pwedeng puntahan ni Ashley at wala sya sa lahat ng lugar na yon.
Isa nalang ang hindi pa.
Sa bahay nina Geoff...
"Damn." Bulong ni Ethan sa hangin pero narinig ko yon. Kasunod noon ay tumayo sya at nag madaling humakbang papunta sa pintuan.
Marahil ay kinukutuban na din sya na maaring nandun nga si Ashley.
Tumayo na din ako at sumunod agad sa kanya, dahil sa pagmamadali ni Ethan ay hindi ko na nagawang iwan si Ares sa ina nya.
Lumabas na din ako ng bahay buhat buhat ang anak ko sa braso ko at tinahak ang pathway papunta sa kotse ko.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansaAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...