ETHAN'S POV
Pinagpatuloy namin ang paghahanap kay Ashley pero habang hinahanap namin ito ay bumuhos ang napaka lakas na ulan.
Lumapit ang isa sa aking pulis at kinausap ako.
"Sir. may bagyo pong nag land dito at ito po area ng mata ng bagyo, masyado pong delikado kung ipagpapatuloy pa natin ang paghahanap."
At ang mga salitang sinabi nya ay syang nagpakunot ng mga kilay ko ng todo.
"ANONG IBIG MONG SABIHIN!? GUSTO MONG ITIGIL ANG PAGHAHANAP!? PANO ANG ASAWA KO!?" Malakas na sigaw ko dito.
"Sir. Pasensya na po pero hindi na po namin pwedeng ituloy ang paghahanap. Hindi ko po mahahayaan na mapahamak ang mga kasamahan ko---"
Mas hinigit ko pa ang collar nya palapit sa akin at nilapit ang mukha ko sa kanya na konti nalang ay susuntukin ko na sya. "IKAW ANG NAGSABI NA MAY BAGYO DITO KAYA HINDI NYO PWEDENG BASTA BASTA IHINTO ANG PAGHAHANAP DAHIL BUHAY NG ASAWA KO ANG PINAG-UUSAPAN DITO!"
"Ethan sandali lang." Pumagitan sa amin sina Claude, Cane at Brix.
Sa sobrang pagka-asar ay tumalikod na lang ako at napasuntok sa pader. Kasj tang-ina hindi ako aalis sa lugar na to na hindi kasama ang asawa ko.
Lumapit sa akin si Cane habang sina Claude naman ay kinakausap ang mga pulis na gustong-gusto ng itigil ang paghahanap!
Nang makalapit sa akin si Cane ay hinawakan nya ako sa balikat, "Ethan. Papabalikin na natin ang mga pulis. Kung gusto nilang tumigil ay wala na tayong magagawa doon, pero kamina nina Brix, Claude at ng mga bodyguards mo ay sasamahan ka sa paghahanap kay Ash." Paliwanag sa akin ni Cane at hindi ko makuhang magsalita.
Dahil naasar pa din ako sa mga pulis na yon.
Ilan sandali ay lumapit pa sa akin si Phoebe. Tumayo sya sa gilid ko, "Boss Ethan. Babalik po ako sa resort kasama ng mga pulis. Kakausapin ko si Boss Adrian na magpapunta ng mga tauhan galing sa organisasyon upang sila ang tumulong sa atin sa paghahanap." Sabi sa akin ni Pheobe.
Tumingin ako dahil sa sinabi nya, "Phoebe, sabihin mo din kay Adrian ay magpadala ng mga helicopter dito para mas mabilis na mahanap ang asawa ko." Sabi ko sa kanya.
Dahil oras na makarinig si Ashley ng helicopters ay sya na mismo ang hahabol doon dahil alam nya na tulong yon mula kay Adrian.
"Masusunod po Boss Ethan."
KHAEL'S POV
Naupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at tiningnan ang babaeng natutulog sa tabi ko.
Dinala ko ang palad ko sa pisnge nito at marahan na hinaplos ito dahil napaka ganda ng mukha ni Talia. Talagang nabuhay ang katauhan ni Talia sa katawan ng babaeng to.
Tumayo ako paalis sa kama at pinulot ang mga damit ko sa sahig. Sinuot ko ang pants ko at shirt. Hindi ko muna binotones ang mga shirt ko at basta ko lamang itong sinuot sa katawan ko.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...