THEY KEEP STOPPING HIM FROM EARNING CLINT'S TRUST

138 19 2
                                    

HARRY'S POV


"Daddy Geoff!"

Malakas na sigaw ni Clint at tumalon pababa ng sink. Tumakbo sya palapit kay Geoff. Then Geoff lowered himself, binuhat ni Geoff si Clint sa braso nya at muling tumingin sa akin.

This time, blanko na ang tingin na ibinigay nya sa akin.



"Geoff kanina ka pa ba?" Tanong ni Ashley.


Nakatitig lamang sa akin si Geoff, "Oo Ash. Kanina pa ako."



Sa mga oras na to ay pinagsalubungan nya ako ng kilay na alam kong nakita nya ang ginawa kong paghalik kay Ashley.

Ang kaba ay bumalot sa kabuuan ko, nangangambang magtanim sa ng galit si Geoff at yun ang bagay na hindi ko makakayanan.

Mahal na mahal ko ang kapatid kong to at gagawin ko ang lahat para sa kanya.





"Uhm. Pasensya na Geoff, pumunta kami dito kasi kanina ka pang hinahanap ni Clint." Ashley said.



Inilipat ni Geoff ang tingin nya kay Ashley, "Halika Ashley. Dun tayo sa kwarto nina Clint."



"Geoff pwede ba tayong mag usap---" -I




"Mamaya na Kuya. Kapag kaya ko ng humarap sayo." Agad na sabi ni Geoff. Gusto kong magpaliwanag ngayon at himingi ng pasensya pero nawalan na ako ng lakas loob dahil sa sinabi nya.


Natahimik nalang ako at tinitigan si Geoff na talikuran ako. Gumawa sya ng hakbang palabas ng kusina buhat buhat si Clint sa braso nya.

Nakasunod sa kanya si Ashley.


Hanggang sa ako nalang ang naiwang mag-isa sa kusina.






Napahampas ako sa counter sink dahil sa nagawa ko. Sobrang nabi bwiset ako dahil pakiramdam ko ay tinraydor ko ang sarili kong kapatid.









GEOFF'S POV

Naglakad ako paakyat ng hagdan buhat buhat si Clint.

Nakasunod sa akin si Ashley. Napaka dami kong tanong tungkol kay Ashley tungkol sa pakikipag hiwalay nya sa akin ng biglaan pero, binagabag ako ng mga nasaksihan ko sa kusina.

Kuya Harry kissed Ashley?





But why? May gusto din ba sya sa babaeng to? Tang ina, kung meron ay kailan pa!? Lagi nya bang ginagawa ang bagay na to sa tuwing wala ako? Sa tuwing nakatalikod ako?

Kailan sya nagsimulang pantasyahin si Ashley!?





Bakit kuya Harry sa dinami daming babae, bakit dun pa sa babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko!? Mahal na mahal ko ang kapatid kong panganay dahil sya nalang ang natitira kong pamilya pero bakit nya ako kailangang traydurin ng ganito?








"Geoff? Galit ka ba kay Sir. Harry?" Narinig kong sabi ni Ashley habang naglalakad kami sa hagdan.

Sumulyap ako sa kanya at muling tumingin sa unahan.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now