ASHLEY'S POV
Nasa kwarto lang ako, napatulog kona si Clint at si Dillon.
Malalim na din ang gabi pero hindi pa din pumapasok si kuya ng kwarto namin para matulog. Alam kong galit pa din sya at kailangan ko syang makausap.
Gusto kong humingi ng pasensya sa kanya.
Tunayo ako mula sa pagkakahiga sa kama. Naglakad papunta sa pintuan at lumabas doon.
Tinahak ko ang hallway at pumunta sa hagdanan. I went downstairs and the moment I reached the living room, I found kuya on the lounge sofa.
Nakaupo sya doon at nagkakape.
Nagkatagpo ang mga mata namin ni kuya. Tahimik lang sa paligid, maliban sa puso kong tumitibok ng malakas. Naririnig ko sila sa magkabila kong tenga.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Natatakot ako kay kuya, baka mamaya sigawan na naman nya ako at mauwi na naman kaming dalawa sa pag-aaway.
Pero kailangan ko syang makausap.
Kailang kong lakasan ang loob ko, dahil ayoko na ganito kami ni kuya. Isa pa ay kasalanan ko naman ang lahat.
Huminga ako ng malalim. Sinubukang lakasan ang loob ko at itago lahat ng pangamba, tumingin ako kay kuya ng diretso.
Nakatingin lang din sya sa akin.
"Uhm. Kuya, gusto ko sanang ipaliwanag sayo ang nangayari." Simula ko.
Iniwas ni kuya ang tingin nya sa akin at kinuha ang tasa ng kape nya. Hinigop nya yon at pagkatapos ay nagsalita, "You know what Ash. Hindi mo kailangan mag explain, tapos na naman ang lahat sa atin."
I balled my hand into a fist, kinagat ko din ang lowerlip ko. Pilit kong kinimkim ang sakit na naramdaman ko nang sabihin ni kuya anv bagay na yon.
Pilit kong ipinapasok sa isipan ko na huwag umiyak dahil kaya lang naman nag kakaganito si kuya ay dahil nasaktan ko sya.
"Kuya, ayokong makipaghiwalay sayo." Mahinang sabi ko sa kanya dahil tinatago ko ang pangangatal ng boses ko. Ang luha ko ay nanggigilid na pero pilit kong pinipigilan ang mga to sa pagbagsak.
"Hindi mo gugustuhin na mag hiwalay tayo Ash dahil alam mong sa akin mapupunta ang dalawang bata, pero kahit na hindi tayo maghiwalay, wag kang aasa na kaya ko pa ding ibigay ang pagmamahal na nakasanayan mong matamasa sa akin. I'm tired of you." Pandidiretsya sa akin ni kuya.
Tinakpan ko agad ng dalawa kong kamay ang mukha ko at umiyak ng malakas dahil hindi ko na kinaya.
Sobrang sakit marinig pag kay kuya mismo nanggaling ang mga salitang yon.
Hindi ko gustong mauwi sa ganito ang lahat. Nagkamali ako na sumama kay Geoff, at ngayon ay pinaparusahan na ako ng tadhana. Pero hindi ako susuko, hindi ako papayag na mawala pa sa akin si kuya.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...