START OF REVENGE

131 18 0
                                    

TALIA'S POV


*Regain consciousness*



Minulat ko ang mga mata ko at nang oras na maimulat ko ang mata ko ay may sumalubong na halik sa labi ko.

Saw it was Khael.

Nakahiga sya sa tabi ko at nakayakap sa akin. Tinitigan ko si Khael, pinag-aralan ko ang mukha nya.

36 na si Khael pero parang nasa edadan bente lang sya. Gwapo ang lalakeng kaharap ko, lalo na at may mga asul na mata ito. Ang sarap nyang titigan, ang katawan nya ay kasing laki ng kay Ethan.

Pero kung ikukumpara kay Ethan, napaka amo ng mukha ni Khael. Si Ethan kasi ay hindi masarap katitigan. Oo nga at napaka gwapo ni Ethan pero oras na tumama ang mga mata mo sa mata nya ay hindi mo mapipigilang makaramdam ng takot.

Lalo na at may napaka lakas na aura ang nakapalibot kay Ethan. Ewan ko ba, likas ang pagiging nakakatakot ni Ethan.

He is like a beast.






"Do you want a coffee to sober up?"





To sober up?

Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi ni Khael hanggang sa unti-unti kong naalala ang mga nangyari kahapon at napaupo ako mula sa pagkakahiga.

Nanlake din ang mga mata ko, si Khael ay nanatiling nakatitig sa akin.






Naupo din si Khael.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil nagka hang over yata ako. Ngayon ay naaalala ko na, naka-inom nga pala ako ng alak.

Pero wala na akong matandaan pagkatapos noon? Ni hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi?









"Talia, sa susunod mag-ingat ka. Lasing na lasing kang dinala dito ni Ethan kagabi, isang maliit na pagkakamali mo lang ay masisira ang plano mo."paalala sa akin ni Khael.

Hmm...

Nadala lang ako kagabi dahil si Ethan ang nagyaya sa akin mag inom. Pero tama si Khael, kailangan kong mag doble ingat dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na to para maisakatuparan ang plano ko.







Tumingin ako kay Khael, "Pasesnya kana Khael. Hindi na mauulit." Mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti si Khael at hinalikan ako sa noo ko.

"It's alright Talia. Halika na, nagpa-prepare na ako ng breakfast." -him




I smile and nod.








Mabuti nalang at...

Si Khael ay nakapitan ko sa oras ng pangangailangan ko.














OCEANID'S POV

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Poseidon dahil pinatawag nya ako.

Wala akong ideya kung bakit nya ako pinapapunta sa kwarto nya pero sinunod ko nalang ang utod dahil pinuno namin yon.


BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now