ETHAN'S POV
Nagdilim ng todo ang paningin ko nang makita ko na buhat-buhat ni Geoff si Ashley. Hindi ko kahit kailan maaatim na dumikit pang muli ang balat ni Geoff sa mga pagmamay-ari ako.
Binola ko ang kamay ko sa isang kamao. Ang mga mata ko ay hindi ko mapigilang manlisik habang tinititigan ang kabuuang anyo ni Geoff.
"Uulitin ko sayo ang bagay na to. Bitawan mo ang babaeng yan." Pagbabanta ko sa kanya. Nasa dulo na ako ng pasensya ko at oras na suwayin nya ako, hindi na ako mag dadalawang isip na...
Tapusin sya dito.
Tinitigan ko lang si Geoff. Magkasalubong ang kilay nito at madiin na magkakadikit ang ngipin.
Then Geoff unclench his teeth, "Hindi ko magagawa ang bagay na gusto mo---"
Hindi ko na pinatapos ang salita ni Geoff at sinugod sya. Ang kamao ko ay nakaangat sa ere, direktang tatama yon sa mukha ni Geoff.
Pero...
Hindi nagawang umabot ng kamao ko sa mukha ng lalakeng yon nang may isang palad ang sumalubong sa mukha ko.
(Slap)
Dite slapped me straight on the face.
Natigilan ako sa ginawang sampal nito at tinitigan ko sya. Ang mga mata ko ay naminilog sa gulat, dahil hindi ko alam kung bakit sasampalin ako ng asawa ni Adrian.
"DITE!"
Hanggang sa narinig ko ang boses ni Adrian sa likuran mo. Nagmadali itong lumapit kay Dite at niyakap yon sa mga braso nya.
Hindi ako nakakibo sa kinatatayuan ko, miski makapagsalita ay hindi. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan si Adrian na yakapin si Dite sa harapan ko.
Galit na galit na nakatitig sa akin si Dite at umiiyak, "Mr. President! Ano bang problema mo! Hindi mo ba nakikita ang lagay ni Ashley! Hirap na hirap na sya! Bakit ba puro sarili mo na lang ang iniintindi mo!" She shouted at me angrily.
Sumulyap ako kay Ashley.
Nasa braso sya ni Geoff, ang mga mata ay mapungay na at pinagpapawisan na din sya. Ang labi nito ay nawalan na ng natural na pagkapula nito at wala ako ideya kung bakit nag kakaganito si Ash.
Gumawa ako ng hakbang palapit sa asawa ko.
Gusto ko syang kuhanin mula sa mga braso ni Geoff, makakalapit na sana ako sa asawa ko pero kumawala si Dite sa pagkakayakap ni Adrian at humarang kay Ashley.
Tumayo sya ng tuwid sa harapan ko, inangat ang dalawang kamay papunta sa direksyon ko at tinulak ako sa chest palayo.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansaAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...