BRIX'S POV
Nasa kama lang ako dito sa kwarto namin ni Violet at nakaupo. May kaharap akong laptop at nakapatong yon sa lap ko.
May mga office works kasi akong tinatapos dito sa bahay.
Nang biglang...
(Door slammed open)
O. O
Nawala ako sa pagkakatitig ko sa laptop ko nang biglang mag bukas ang pintuan ng kwarto. Tumingin ako doon at nakita ang isang maliit na babaeng nagmamadaling tumakbo papasok ng kwarto.
Walang iba kundi si Violet.
Nakuha nya ang buong atensyon ko dahil napaka delikado sa kanya ang pagtakbo. Tatlong anak ko ang dinadala nya sa loob ng katawan nya kaya iniingatan ko si Violet.
Inalis ko ang laptop sa hita ko at pinatong yon sa kama tsaka ako tumayo at humakbang palapit sa kanya. Sinalubong ko sya at hinawakan sya sa magkabila byang balikat para pigilan sya sa pagtakbo.
"Hey, hey. Diba sinabi ko naman sayo na huwag kang tumakbo. Baka kung mapano ka." Sabi ko dito nang magkalapit kami.
Tumingala sa akin si Violet at pinakitaan ako ng sweet nyang ngiti na para bang sobrang saya nya. Wala akong kaide-ideya kung bakit umaakto sya ng ganito pero napangiti din ako.
Nakakahawa ang kaaliwalasang taglay ng mukha ni Violet. Napaka optimistic nyang tao, full of positivity at ang sarap kasama ng taong ganito.
Kahit nakaka stress ang trabaho ko ay napapawi agad yon kapag kasama ko na ang babaeng to.
"Brix, I have to tell you something!" Hagikhik ni Violet.
Nanatili akong nakangiti sa kanya habang tinititigan namin ang isa't isa. "You tell me, mukhang good news yan ah."
"Brix, nakuha ko na ang result ng paternity test ng baby natin!" -her
Halos tumalbog paalis sa katawan ko ang mga sinabi ni Violet ngayon ngayon lang. Tinitigan ko sya ng sobrang lalim at napapaisip na ako kung ano ang result. Though alam kong sa akin ang mga batang yon, pakiramdam ko kailangan ko ng confirmation.
"What is the result?" Mahinang tanong ko kay Violet at napansin ko pa ang pangangatal ng boses ko na halatang halata kung gaano ako kinakabahan sa mga oras na to.
Pero ang ngiting pinapakita sa akin ni Violet ay nagsasabi lamang na hindi ako dapat kabahan. Dahil, "Sayo ang bata Brix! It's our baby!" Sigaw ni Violet at yumakap sa akin.
Natulala ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Violet. Medyo nakakagulat yon pero pagkalipas ng ilang segundo ay nagsimula ng ngumiti ng kusa ang mga labi ko.
Ang dalawa kong braso ay iniyakap ko ng sobrang higpit kay Violet at hinalikan ko ang noo nito ng sobrang diin.
Ang puso ko ay lumulukso sa tuwa, walang sapat na salita para ipaliwanag kung gaano ako kasaya sa sandali na to.
Habang lumilipas ang oras ay mas humihigpit ang yakap ko kay Violet. "Violet, pangakong aalagaan ko kayong apat." Sabi ko rito habang nakahalik ang labi ko sa noo nya. Sobra lang akong na excite na lumabas ang ga bata lalo pa at akin sila.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...