ETHAN'S POV
Nasa kwarto kami na pinag-admitan ni Ashley at kausap ko ngayon ang doctor nya.
Tinatanong ko kasi kung pwede ng i-discharge si Ashley dahil nagpupumulit na ang asawa ko na umuwi.
Nakaupo kaming dalawa ni Ash sa hospital bed at kalong-kalong ko sina Clint at Dillon. Kaharap ko ang doctor ni Ashley, nakatayo ito sa harapan ko.
"Mr. Rei, ok na naman ang lagay ng pasyente pero kailangan pa din nya ng pahinga." he explained.
Narinig kong humagikhik si Ashley, syempre masaya sya kasi makakalabas na sya dito.
"Oo nga pala Mr. Rei, kung pwede iwasan ng pasyente na lunukin ang mga toothpaste nya kapag nag to-toothbrush sya." he added.
Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nya. "What do you mean?" I asked.
Humagikhik ito at tumingin kay Ash, "Nasobrahan kasi ng fluoride si Ashley. Sa tingin ko dahil baka nalulunok nya ang toothpaste kapag nag to-toothbrush sya---" sabi nito pero natigilan sya nang biglang iniling ni Ash ng madaming beses ang ulo nya.
"Ahh! Hindi ko naman nilulunok!" depensa pa nito sa sarili nya kaya tiningnan ko sya. Kung nasobrahan sya sa fluoride, ibig sabihin lang ay nalulunok nya talaga ang toothpaste.
Imposible namang kinain nya yon diba, ano yon pinalaman nya sa tinapay tapos papapakin nya.
Tsss.
"Ashley, makinig ka sa sinasabi ng doctor mo. Huwag mong lunukin ang toothpaste kapag nag to-toothbrush ka---"
"Pero hindi ko nga nilulunok! Bakit nyo ba ko pinipilit?" Ashley shouted while pouting her lower lips. Nag crossed arms din sya at pinapakitaan na naman ako ng kamalditahan nya.
Sigh.
"Pano mo ipapaliwanag kung bakit may flouride sa kinakain mo?" I asked her.
"Kinain ko yung binake ni Yuni na sandwich cookies na may palaman na toothpaste!" Ashley replied and rolled her eyes at me.
O. O
Sandwich cookies na may palaman na toothpaste? Damn, anong ibig sabihin ni Ashley doon?
That Yuni!
Kailangan kong makausap ang isang yon, kasi bakit nya gagawin yon? May lihim ba syang galit kay Ashley para pakainin nya ang asawa ko ng toothpaste?!
CANE'S POV
The next day...
Nasa office lang ako kasama sina Claude at Brix. Kagaya ng dati, nasa lounge sofa lang si Claude at natutulog. Kami lang ni Brix ang nag ta-trabaho, wala na din naman kaming magagawa don.
Talagang tamad si Claude.
Likas na sa pagkatao nya yon at kung pipilitin lamang namin sya ay kami lang din ang mapipikon.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...