ASHLEY'S POV
Nakaupo ako sa lounge sofa katabi si kuya at naka crossed arms. Naka pout din ako habang tinititigan ang babaeng nasa tapat namin ni kuya.
Kasi naman...
Galit ako kay Bianca!
Kakampi nya kaya si Ava dati tsaka lagi nya akong sinasaktan dati.
Nagtatrabaho lang sila ni kuya parehas at nag-uusap habang ako ay tahimik lang na nakaupo sa lounge sofa at pinapanood sila.
Hanggang sa hindi ko na kinaya ang galit ko at hinawakan si kuya sa balikat. Hinigit ko sya palapit sa akin at idinikit ko ang labi ko sa tenga nya.
"Kuya bakit mo ka meeting yan?" Inis na bulong ko sa kanya habang nakatitig kay Bianca. Nakatingin lang din sa amin si Bianca at tinaasan pa ako ng kilay kaya lalo akong naasar.
"Kuya galit ako sa kanya!" Malakas na sigaw ko at tinuro si Bianca.
ETHAN'S POV
Napabuntong hininga nalang ako dahil akala ko pa naman ay nagbago na si Ashley pagkatapos ng mga nangyari pero hindi pa din pala.
Napaka tigas pa din ng ulo nya.
Hinawakan ko ang braso ni Ashley na pinang-turo kay Bianca at binaba yon dahil nakakahiya sa ka meeting ko.
Humarap ako kay Ashley, tinitigan ang naka pout na labi nito at magkasalubong na kilay. "Ashley akala ko ba behave ka?" Mahinang sabi ko sa kanya.
Nag crossed arms ito at tinitigan ng masama muli si Bianca, "Bakit kasi ka meeting mo ang isang yan?"
"Ashley kasosyo namin si Bianca kaya natural lang na pagkakaroon kami ng meeting." Sabi ko rito at inipit ang boses ko dahil kinokontrol ko ang galit ko.
"Dapat si Adrian nalang ang nakipag kita sa kanya at hindi na ikaw."
Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi ni Ashley. Pinagmasdan ko ang reaksyon nya hanggang sa napagtanto ko na namumula ang mukha nito.
Hindi naman dahil sa galit kundi dahil sa...
"Are you jealous of her?" I whispered at her ears. Alam kong masyadong risky na itanong ko kay Ashley ang bahay na yon dahil nasa harapan namin si Bianca lalo na at nakatitig pa ito sa aming mag-asawa pero ginamit ko na ang pinaka mahina kong boses upang hindi nya marinig ang binulong ko kay Ash.
Lalong namula ang mukha ni Ash sa sinabi ko at mas nanusok pa ang mga nguso na ibig sabihin lang ay nagseselos nga talaga ang isang to.
Bahagya akong napahagikhik dahil mas naging seloso pa ang asawa ko sa loob ng apat na taon.
Hinubad ko ang coat ko dahil kailangan ko to para alisin ang selos na nararamdaman ng asawa ko. Nang mahubad ko yon ay ipinatong ko yon sa hita ni Ashley.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...