MARGARRET'S POV
Nakatayo lang ako sa gilid ng hospital bed at binabantayan ang lalakeng muntik ko ng masagasaan kanina.
Nakahiga sya doon ngayon at sinementuhan ang binti. Kanina pa syang nakabusangot na alam kong galit sya sa akin.
Pero hindi ko naman sya masisise, kasalanan ko kung bakit ganito ang sinapit nya ngayon.
Flashback << >>
Nasa bar lang ako at nakikipag sayaw sa mga kaibigan ko.
Napaka ingay ng speaker at kahit malalim na ang gabi ay gising na gising pa din ako. Lalo pa at pinaiinit ng tequila na hawak ko ang katawan ko.
"Garrie, is that your ex!?"
Natigil ako sa pagsasayaw nang marinig ko ang sinabi ng isa sa kaibigan ko. Lumingon ako sa tinuro nyang direksyon at nang oras na dumapo ang paningin ko doon ay...
Nakita ko ang matangkad na lalakeng nakaupo sa isang table. May hawak syang alak at iniinom yon, nahuli ko pang nakatingin din sya sa akin.
Nawala agad ako sa mood nang mamukhaan ko nga ang lalakeng yon. Limang taon na din ang nakalipas simula nang huli ko syang nakita.
Ang first boyfriend and first ex ko.
Inirapan ko ang lalakeng nasa table dahil nakakapikon lamang ang mukha nito. Bakit naman nakita ko pa ang isang to?
Akala ko pa naman ay patay na ang isang yon.
"Bitter, palibhasa pinagpalit sa best friend." My friend chuckled.
Tumingin muli ako sa kaibigan ko dahil sinabi nya. "Duhh, limang taon na ang nakalipas! Hindi na ako affected at move on na ko sa gagong yan." Sagot ko sa kaibigan ko at ininom ang hawak kong tequila at muling nagsayaw.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
