Sneak Into Her Room While She Was Asleep

151 24 2
                                    

GEOFF'S POV


Nakaupo kami ni Ashley sa kama at parehas naming pinapatulog si Clint at Dillon.

Kanina pang tahimik si Ashley at hindi man lang ako tinatangkang kausapin. Binibingi na ako ng katahimikan ng kwartong to.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag salita.



"Ash...masaya ka ba na bumalik sya?" I asked her.


Tumingin sa akin si Ashley na para bang nagulat sya sa naging tanong ko hanggang sa, ngumiti ito at muling ibinalik ang tingin kay Dillon at Clint. Hinaplos haplos nya ang pisnge ng ngayon ay natutulog nyang anak.


"Masaya ko kasi...nalaman ko na, ligtas lang si Kuya. Sa loob ng apat na taon ay nag alala ako para sa kanya. Kung ano ba ang lagay nya pero nung makita ko sya kanina ay napanatag naman ako na...ayos lang sya Geoff. Masaya na ako makita lang sya ayos..." Ashley said.


Nanatili ang ngiti sa labi nito pero ang mga mata nya ay nag papakita ng matinding lungkot at pangungulila na alam kong hanggang ngayon ay mahal nya pa din si Ethan.


Ngumiti ako at tinago ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Lalake ako pero puta ang sakit pala pag alam mong ano mang oras ay pwedeng mawala sayo ang babaeng mahal mo.


Na baka bukas o sa isang bukas ay hindi na ako ang lalakeng yumayakap sa kanya at humahalik sa kanya.


Fuck shit man pakinggan pero gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw at makipag laban para kay Ashley.

Pinag hirapan ko naman lahat kung ano ang meron sa amin ni Ashley ngayon, pero sa isang idlap kayang bawiin sakin ni Ethan lahat ng to.




"Geoff..."



Tumingin ako kay Ashley nang banggitin nya ang pangalan ko. Nag tagpo ang mga paningin namin, she smile at me. At nang hina ako sa mga ngiting pinakita nya.



Sobrang sweet ng mga yon na parang kaharap ko ay isang anghel at tinatangay ako sa langit.



Hindi ko kayang....




Mawala ang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko sya kayang ibigay kay Ethan.



Natatakot na ako ngayon...


Natatakot akong mawala sya sakin...


"Geoff, pwede bang pumunta ulit tayo sa rooftop." -Ashley



O. O




ASHLEY'S POV

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now