KHAEL'S POV
Nakaluhod ako sa harap ng lounge sofa at tinatapik tapik ang likod ni Ashley.
Nakadapa kasi sya sa lounge sofa at iyak ng iyak. Simula nang pumunta sya sa office ko ay umiyak nalang sya ng umiyak at hindi man lang ako kinakausap.
Hindi ko tuloy alam kung anong kinaiiyak nya.
At masakit sa akin na makita si Ashley na nagkakaganito. Pero wala kong magawa, hindi ko alam kung paano ko sya patatahanin.
Hindi nadadala ang babaeng to sa pacomfort-comfort, kaya paano ko sya patitigilin sa pag-iyak?
"Ashley mag-usap nga tayo." Mahinahong sabi ko rito pero hindi nya ako pinansin. Nagpatuloy lang sya sa pag-iyak nya habang nakadapa sa lounge sofa.
Sigh.
Ano na bang gagawin ko?
(Creaking door sound)
Lumingon ako sa may pintuan ng office ko nang marinig kong magbukas yon. Nang oras na dumapo ang paningin ko sa pintuan ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo doon.
And she's Margauxe.
Tiningnan ko lang si Margauxe na naglakad papasok ng office ko at tumayo sa harapan ko.
I gaze up at her.
"Do you need something?" I asked her.
"Si Talia kasi, nag message sya sakin. Kanina ka pa daw nyang kino-contact pero hindi mo sinasagot." Margauxe said.
Si Talia?
Ano naman kayang kailangan ni Talia sa akin? Ang sinabi ko sa kanya magpahinga lang sya sa bahay dahil nagka morning sickness na naman sya.
Kinuha ko ang phone ko sa trouser ko at inangat ito sa harapan ko. Nakita ko ngang nagmessage sa akin si Talia, kaya naman mabilis kong viniew yon.
*View message*
From: Talia
Khael, can you bring me an ice cream?O. O
An ice cream?
Talia wants an ice cream? Baka naubusan na kami ng stock sa ref.
Tumingin ako kay Margauxe pagkatapos kong basahin ang message, "Margauxe, pumunta ka sa bahay ngayon at dalhan mo si Talia ng ice cream---"
"ICE CREAM!?" -Ash
Lumingon kaming dalawa ni Margauxe kay Ashley dahil bigla itong naupo mula sa pagkakadapa nya at humarap sa akin.
Mabilis nyang pinawi ang mga luha nya at tinitigan ako, "Bibigyan mo si Talia ng ice cream?" Ashley asked me.
Hihikbi-hikbi pa ito mula sa pag-iyak nya at tang ina kung may ibang makakakita ng bagay na to ay sigurado akong panggigigilan sya.
Kasi pano sya naging cute ng ganito?
"D-Do you want an ice cream too?" Tanong ko sa kanya at pagkatapos noon, dahan dahang nabanat ang labi ni Ashley sa isang ngiti.
She do a shy smile.
Damn.
She made my heart beats faster. Her smile is really contagious, it lights up the world and it makes everything seem so alive.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...