THEY MEET AGAIN

119 16 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nasa Redonzo's Telecommunications company ako at nakaupo sa upuan dito sa lobby.

Nakatayo sa harapan ko ang tatlong lalake at kanina pa nila akong tinititigan simula nang makaratin ako dito at wala akong ideya kung bakit nila ginagawa ang bagay na yon.

Naiilang ko sa tingin nila kaya hindi ko na din napigilan pa na magtanong.

"Uhm...may kailangan ba kayo sa akin?" I asked them.

Pagkasabi ko ng bagay na yon ay nagtinginan sila sa isa't isa na para bang may mali sa sinabi ko. Then they face me again, ang isa sa kanila ay humakbang palapit sa akin at nagsalita.

"Ashley saan ka ba galing? Nag-alala kaming lahat sayo." He said.

Ashley?

Kilala nya ako? Pero hindi ko sya kilala at hindi ko sya matandaan.

Teka, baka sila na ang sinasabi ni Max na mga naging kaibigan ko dati.







FLASHBACK << >>

Nakaupo kami ni Max sa sofa dito sa sala.

May hawak syang kape at iniinom yon, ako naman ay nakayakap sa bewang nya at nakasandal ang ulo sa katawan nya.

Nanghihina kasi ako pagkatapos ko palaging uminom ng gamot na pinapainom nila sa akin ng nurse ko. Pakiramdam ko lagi akong makakatulog o babagsak.

"Ashley, may mga kaibigan ka dati." Max started.

Tahimik lang ako at hindi makapagsalita dahil sa panghihina kaya naman pinakinggan ko lang sya sa mga sinasabi nya.

"Kasal ka na din at may dalawang anak. May pinamumunuan ka ding isang organisasyon."

May anak ako at kasal na ako?

Hindi ko alam ang bagay na yon. "Wala akong matandaan Max." I said weakly. Ang mga mata ko ay dahan-dahan ng pumipikit.

"I see."

Nabalot ng katahimikan ang bawat sulok ng sala hanggang sa dahan-dahang tumayo si Max. Tumingala ako para tingnan sya, then he bent over and wrapped his arms around me.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now