YEJI'S POV
Nasa byahe na kami ni Noah pauwi sa organisasyon. Nakasakay kami sa kotse nya, nagmamaneho ito at ako naman ay kalong-kalong si Iya.
Nang...
(Tire squealing sound)
Busina ng napaka lakas si Noah at mabilis nyang inapakan ang break pedal dahil may sumalubong sa aming kotse.
Niyakap ko ng sobrang higpit si Iya sa braso ko dahil halos tumalsik kami pauna nito, mabuti na nga lang at nakasuot kami ng seatbelt.
"Yeji! Ayos lang ba kayo?" Noah asked worriedly.
Humarap ako kay Noah at pinakitaan sya ng ngiti, "We're fine Noah." Sagot ko dito at pagkatapos ay lumingon muli ako sa unahan.
Tinitigan ang kotse na muntik ng bunggo sa amin ni Noah.
Tinted ang windshield ng kotseng yon kaya hindi ko maaninag ang taong nasa labas ng kotse.
Si Noah naman ay paulit-ulit na nagmumura habang inaalis ang seatbelt nya. Galit na galit ito sa taong muntik ng bumunggo sa amin pero natural lang naman na ganun ang maging reaksyon nya.
One way kasi to, kaya dapat ay hindi dito dumaan ang kotseng yon. Aksidente at aksidente ang aabutin nya at idadamay pa nya kami.
Lumabas si Noah ng kotse at nagmadaling humakbang papunta sa kotseng ito.
Lumabas din ako ng kotse buhat-buhat si Iya at tinitigan si Noah. Mainit kasi ang ulo ni Noah at baka kung ano pa ang magawa nya sa oras na to.
Ilan sandali pa ay nagbukas na ang pintuan ng kotseng yon.
At nakitang may isang matangkad na lalakeng lumabas ng kotse na syang nagpatibok sa puso ko ng malakas na paraan.
Natigilan ako sa paglalakad at napatitig sa lalakeng nakatayo sa gilid ng kotse. Nanlilisik ang mga asul na mata nito sa akin at sa mga oras din na to ay pinangatalan ako ng katawan.
Ang takot at pag-aalala ay bumalot sa akin kaya niyakap ko ng sobrang higpit si Iya.
"SHIT!" Noah shouted and ran towards me.
Hindi ko magawang kumilos na tila ba ay nasemento ako sa kinatatayuan ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan si Max.
Kumuha sya ng baril at hinugot yon sa tagiliran nya. My tears begin to fall as he point the gun to Noah.
Nakatitig ng masama si Max kay Noah at alam kong balak nya tong patayin. Si Noah naman ay patuloy sa pagtakbo palapit sa amin ni Iya.
Ang paligid ko ay nag i-slow motion.
"YEJI! RUN!" Paulit-ulit na sigaw ni Noah.
Pero bago pa tuluyang mag function ang utak ko ay...
(Gunshot)
"NOAH!" yun na yata ang pinaka malakas na sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko. Halos mapunit ang lalamunan ko sa pagsigaw dahil takot na takot ako nang makita kong kinalabit ni Max ang trigger ng baril.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
