IDENTITY SOLVED

114 16 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nasa mall kami nina Violet at Dite.

Nakaupo kami ni Dite sa isang sofa dito sa loob ng isang wedding gown store. Hinihintay namin parehas ni Dite si Violet na lumabas mula sa fitting room.

Hindi na ako makapag hintay na makita na naka wedding gown si Violet. Pero ayos sana kung si Brix ang groom at hindi si Jed.





"Ashley..."





Lumingon ako kay Dite nang tawagin nya ang pangalan ko. Nakaupo lang sya katabi ko habang ginagala ang tingin nya sa paligid.




"Bakit Dite?"





"Mukha namang ok na naman kayo ni Mr. President, bakit ayaw mong magpakasal ulit sa kanya?"

At hindi ko akalain na matitigilan ako sa binitawang salitang ni Dite. Ang puso ko ay bumagal sa pagtibok na animo'y balak nitong huminto.

Hindi ko nagawang magsalita, ang sinabi nya ay bumagabag sa isipan ko at ganun din sa dibdib ko. Ibinaba ko ang tingin ko sa sahig at doon tumitig habang pinag-iisipan ang sinabi sa akin ni Dite.







Ok na kami ni kuya?






Hmmm...

Totoo naman ang sinabi ni Dite na nagbabalik na ulit ang dating kuya ko. Yung maalaga at malambing sa akin pero, natatakot akong magpakasal sa kanya.

Pano kung, matali muli ako sa kanya ay baliwalain na muli ni kuya ang damdamin ko at kapag nangyari yon wala na naman akong takas sa kanya.


At ngayon, sa tono ng pananalita ko parang na to-trauma na ako sa mga pananakit na sinapit ko kay kuya noong magka relasyon pa kami.









"Alam mo Ashley, hanggat maari huwag mo hayaang may latak sa relasyon ni Mr. President. Ayusin nyo hanggat maayos, yan ang sinasabi sa akin palagi ni Mr. CEO." Dite said weakly.

Tumingin ako sa kanya at ngayon ay nakita kong nakatingin na din sya sa akin at nakangiti. "Sabi mo mahal mo si Sir. Khael, pero nararamdaman ko na hindi mo naman talaga sya mahal hehe. Pakiramdam ko ginagamit mo lang sya para mag heal sa mga pananakit sayo ni Mr. President."







Ang mga salita na naman nitong binato sa akin sya syang nakapag patigil sa akin. Nanlake ang mata kong nakatitig sa kanya.

"P-Pano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya ng pautal-utal na para bang bumabara sa lalamunan ko ang mga sasabihin ko.



Nanatiling nakangiti sa akin si Dite, "Hindi ba kaya lang naman ayaw mong mag pakasal kay Mr. President kasi natatakot kang masaktan ulit?"




"A-Ayoko na ulit masaktan Dite!"





Humagikhik ito sa akin at pagkatapos ay, "Kita mo na hehe."


"Pero bakit ganun Dite? Pag nakakasama ko si Sir. Khael, sumasaya ako!? Bawat oras gusto ko syang kasama?" Tarantang sabi ko rito dahil nagsisimula na din akong malito kung ano na nga ba ang totoong nararamdaman ko.



BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now