ETHAN'S POV
Nasa kompanya ako at nasa may office ko. Nakaupo ako sa desk chair ko habang pinalilibutan ako nina Cane, Claude, Adrian at Brix.
Nasa braso ko si Lincoln, ang bago kong bunso at hinehele-hele ito.
Si Clint at Dillon ay nakaupo sa office table ko at nakatitig sa bunso nilang kapatid habang hinehele-hele ko ito sa braso ko.
"Anong balak mo? Magpakasal kayo sa Yukon Canada?" Claude asked me.
Ngumiti ako, "Request ni Ashley eh. Nainggit sya nang malaman nyang doon ako nanggaling noong taon na nawala ako." Sagot ko.
Gusto kasi makita ni Ashley ng personal ang Aurora borealis kaya naman ang wedding namin ay durning the Aurora Borealis.
"Mabuti naman, naisipan mo pang umuwi dito sa Pilipinas. Akala ko talaga noong una ay hindi kana mag paparamdam pa sa amin kahit kailan." Brix said.
Hmmm...
Tungkol sa bagay na yon ay, "Kaya ako umuwi dito ay dahil may mga bagay akong gustong ayusin." Sagot ko kay Brix.
Natahimik sila at tinitigan nila ako na parang interesado silang malaman kung anong tumatakbo sa isipan ko.
Kaya naman huminga ako ng malalim at, "I need to talk to Khael." I said.
YEJI'S POV
Naglakad kaming dalawa ni Noah kasama ang Mom nya.
Buhat-buhat nya si Iya sa braso nya. Tahimik lang kaming naglalakad dahil hindi ko magawang makagawa ng ingay dahil, sa tuwing pupunta ako sa lugar na to ay binabalot ako ng sakit at lungkot.
Isang taon na simula nang mawala ang anak ko at pinangalan sya ni Max na Talia. Nakita ko nalang noong araw na yon na nasa grave na ang anak ko at hindi ko man lang nagawa syang halikan at yakapin.
Napaka sakit ng sinapit ng anak ko.
Ilan sandali pa ay nakarating na kami ni Noah sa lugar. Pero sa pagdating namin ay natigilan kaming tatlo ng mom nya dahil...
May nakita kaming dalawang tao na nakatayo sa mismong grave ni Talia Elacion.
Tinitigan ko lang sya at bumilis ang tibok ng puso ko nang mamukhaan ko sya.
"Max..." mahinang tawag ko sa pangalan nya.
Dahan dahan na lumingon sa akin si Max nang tawagin ko ang pangalan nya at sa paglingon nya ay nanlake din ang mga mata nyang nakatitig sa akin.
Nagtitigan kaming dalawa hanggang sa...
"Babe sino sya?" Narinig kong nagsalita ang kasama nya. Inilipat ko ang tingin sa babaeng kasama ni Max at nakita ko na may buhat-buhat yong bata.
Asul ang mata ng bata at kung huhulaan ko ang edad ng bata ay nasa dalawang buwan palang yon.
Kamukhang kamukha nya si Max at hindi ako pwedeng magkamali na anak nya yon. Nakakasigurado ako.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
