ASHLEY'S POV
"Ashley nasan na ba kayo!?" Sigaw sa akin ni Yuni sa kabilang linya ng phone.
"Yuni nakasakay na kami ni Natalie sa sasakyan! Papunta na kami jan, sabihin mo wag mainip sina Kuya ha!" Sabi ko kay Yuni.
"Sige, sige bilisan yon! Hinahamog na kami dito!" Muling sabi ni Yuni kaya napahagikhik ako bago ko patayin ang tawag.
Ngayon kasi ay nakasakay kami ni Natalie sa magkabilang kotse, papunta kaming parehas sa kasal namin. Si Leo at Kit ang nag babantay at nagmamaneho sa kotse na sinasakyan ni Natalie.
Si Hunter at Phoebe naman ang nagmamaneho ng sasakyan ko.
Nasa Yukon Canada kami at papunta na kami sa setting ng kasal namin. Garden wedding pala ang kasal namin nina Kuya.
Ngayon ay 10 pm na ng gabi dito at nakikita ko ba na ng personal ang Aurora Borealis sa langit. Hindi na ako makapag hintay na ikasal kami ni kuya at magiging saksi doon ang mga green lights.
Nakatitig lamang ako sa bintana ng kotse sinasakyan ko at pinagmamasdan ang Aurora borealis sa kalangitan nang biglang tumigil ang sasakyan.
Nawala ako sa pagkakatitig ko at tumingin ako sa front seat kung nasaan sina Phoebe at Hunter.
"Nandito na tayo." Sabi sa akin ni Hunter kaya naman nagsimula ng kumabog ng malakas ang puso ko.
Huminga ako ng malalim at tumango.
Nilakasan ko ang loob ko kahit kinakabahan ako. Hinawakan ko ang door handle ng kotse at binuksan ang pintuan.
Sunod ay humakbang ako palabas ng kotse.
Sa paghakbang ko palabas ay nakita ko din ang pagbaba ni Natalie sa kabilang kotse. Bumaba na din sa kotse na yon sina Kit at Leo.
Tinitigan ko si Natalie.
Parehas kaming nakasuot ng white na wedding gown. Napaka ganda ni Natalie kaya naman agad akong humakbang palapit sa kanya.
Pagkalapit ko sa kanya ay niyakap ko sya.
"Ashley, baka bumagsak tayo!" Angal ni Natalie, napahigpit yata ang yakap ko sa kanya. Kaya naman bumitaw na ako sa pagkakayakap ko at pinakitaan sya ng malawak na ngiti.
"Hehe sorry Natalie, na excite lang ako sa kasal nating apat." Hagikhikhik ko sa kanya pero si Natalie ay nagsalubong ang kilay.
Tinitigan ko sya at, "Kinakabahan ako Ashley." Natalie said.
Nanlake ang mga mata ko dahil sa sinabi nya at iniling ang ulo ko. "Wag ka kabahan! Magiging mag-asawa na nga kayo ni sir. Khael pagkatapos nito eh---" paliwanag ko sa kanya pero natigilan ako sa pagsasalita nang...
"Ahhh! Monster!" -voice out of nowhere
Ginala ko ang tingin ko sa paligid at pagkatapos ay nakita ko ang mga bata na parang nasa edadadan na 13. Nakatitig sila sa amin ni Natalie at tinuturo nilang lahat si Natalie.
"Monster! Monster!" Sigaw nila paulit-ulit at nabwiset agad ako ng todo sa narinig ko kaya naman agad akong sumugod sa mga batang yon.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...