WELCOME BACK ETHAN

144 20 1
                                    

ADRIAN'S POV

Umuwi na kami nina Ethan, Phoebe at Ash sa bahay pagkatapos ng mga nangyari.

Si Geoff naman ay dinala sa hospital ni Harry.




"Ethan..."



Tawag ko sa kapatid ko. Nasa backyard kami, nakaupo sya sa table habang nag iinom at nakatitig sa pool. Nag lakad ako palapit kay Ethan at naupo sa tabi nya.

Sinalinan nya ng alak ang baso nya at ininom yon. Habang pinagmamasdan ko sya ay nakikita ko sa mata nya ang reflection ng pool.

Napala blanko ng mga mata nya, wala kong makitang emosyon pero sa kilos nya ay alam kong nasasaktan sya at miserable sya sa pagkawala ni Natalie.




"Mahal mo talaga si Natalie hindi ba?" I started.

Nakatitig lang sya sa pool at nagsalita, "I love her. Sa loob ng apat na taon sa kanya lamang umikot ang mundo ko, hindi agad mawawala ang nararamdaman ko sa kanya." Sabi nito sa akin.

Nakwento na kasi sa akin ni Ethan ang kabaliwan ni Gwyneth, na pinipili ni Gwyneth si Ethan kung sino ang ililigtas kay na Ashley at Natalie.

Na si Gwyneth din pala ang may dahilan kung bakit naaksidente si Ethan at napalayo sa amin apat na taon na ang nakalipas.




"Anong plano mo ngayon?" -I








"Ayusin ang lahat...ang relasyon ko kay Ashley at sa mga anak ko." Sagot nito at nuling nag salin ng alak sa baso.









Ayusin ang relasyon kay Ashley? Ngayon ay napapaisip na ako kung anong mangyayare kay Geoff kung nagbalik na talaga ang kapatid ko.

Saksi ako kung paano minahal ni Ashley at Geoff ang isa't isa. Sa tingin ko ay mahihirapan dito si Ash, ganun din si Ethan at Geoff.




"Pupuntahan ko lang si Ash." Ethan said and stood up. Tumalikod sya sa akin at nag lalakad na palayo. Tinitigan ko lang si Ethan sa paglisan nya.


Ayokong mangealam sa kung ano ang patutunguhan ng pagmamahalan nyong tatlo ni Geoff at Ash. Nag balik na ang dating Ethan, I know you can handle this Ethan.










ETHAN'S POV

Naglakad ako pasok ng bahay at dumiretso sa sala. Then I went upstairs, tinahak ang hallway papunta sa kwarto namin ni Ash.

Nang makarating ako doon ay binuksan ko ang pintuan.







(Creaking door sound)






At nakita si Ashley na nakaupo sa kama katabi ang dalawa kong anak na natutulog doon. Tumingin sya sa akin at ngumiti, at sa mga ngiting yon ay napawi ang lungkot na nararamdaman sa dibdib ko.

Hindi ako makapaniwala na...

Muntik ng mawala sa akin ng tuluyan ang babaeng to. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung si Natalie ang pinili ko at hindi sya.

Baka ikamatay ko nalang din kung mawawala sa akin ng tuluyan ang babaeng to.





Nag lakad ako palapit sa kama at tumayo sa harap ni Ashley. Then I reached her hand and pulled her to stand.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now