ASHLEY'S POV
Nakayakap lang ako kay Zion at nakasubsob sa chest nito. Hanggang sa unti-unti na akong tumigil sa pag-iyak.
Unti-unti na din akong naliliwanagan dahil sa paliwanag ni Zion kanina.
Sinabi nya sa akin na wag kong isipin ang sasabihin ng iba at hayaan ang puso ko na mag desisyon.
Pano kung ang piliin ko ay si...
"ASHLEY!"
O. O
Mabilis kong tinunghay ang ulo ko dahil narinig ko ang boses ni Kuya. Sa pagtunghay ko ay nakita ko itong tumatakbo palapit sa amin ni Zion.
"Kuya..."-I
O//////////O
(Thud sound)
"Ahh! Kuya anong ginagawa mo!?" Malakas na sigaw ko kay kuya dahil sinunggaban nya ng suntok si Zion.
Tumayo ako at humarang agad kay Zion. Akmang susuntukin sana ito ni Kuya pero niyakap ko si kuya at umiyak sa chest nya, "Kuya ano na naman bang problema mo!?"
Hinawakan ako ni kuya sa dalawa kong braso, sobrang higpit na lumubog pa ang mga daliri nya sa balat ko. Sobrang sakit kaya lalo akong napaiyak. "Kuya!"
"Sawang sawa na ko Ashley sa mga kalokohan mo! Ano pa bang kulang ha!? Ginagawa ko naman lahat para sayo diba, bakit kailangan mo kong paulit ulit na gaguhin!?" Kuya shouted at me angrily.
Umiling ako kay kuya, pilit kong hinihigit ang braso ko paalis sa kanya, nagtatangkang yakapin sya pero pinipigilan nya ako. Madiin ang pagkakahawak nya sa braso ko, galit na galit na nakatitig sa akin.
"Kuya mali ang iniisip mo samin ni Zion."
"Tama na Ashley! Hindi mo na ko maloloko---"
"Ethan! Makinig ka muna kay Ashley!" Sigaw ni Zion at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Tumingin agad ako sa kanya at iniling ang ulo ko dahil kung sasali pa sya ay baka lalo lamang syang pag-initan ni kuya.
Pero nangyari na nga ang kinakatakot ko.
Niyakap ako ni kuya gamit ang isa nyang braso at kinulong ang dalawa kong braso sa yakap nyang yon. Hindi ako nakagalaw at umiyak lang ng umiyak.
Humakbang si kuya palapit kay Zion at hinawakan ang collar nito. Tinitigan ito ng sobrang lalim, magkasalubong ang kilay ni kuya at alam kong konti nalang ay mapipilitan syang saktan si Zion.
"Kuya please!" -I
"Nabalaan na kita hindi ba. Layuan mo ang asawa ko." Kuya said at him in a dead tone.
Natahimik si Zion dahil sa sinabi ni kuya, marahil ay nakakaramdaman na din ito na kung gagalitin nya si kuya ay mapapahamak sya lalo na at nabanggit ko sa kanya ang mga bagay na ginagawa ni kuya dati sa mga kaaway nya.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...