ASHLEY'S POV
Natigilan ako sa sinabi ni kuya. Hindi ko magawang magsalita, kasi hindi ko mapagana ang isipan ko sa gusto nyang iparating.
Gusto nyang makipag relasyon ako kay Sir. Khael?
"Kuya ayoko..." mahinang sabi ko sa kanya at iniling ang ulo ko.
Nakahawak si kuya sa dalawa kong pisnge at binibigyan ako ng malalim na tingin na kung tititigan ko sya ay parang hindi nga sya nagbibiro.
"Ashley please---"
"AYOKO KUYA MAKIPAG RELASYON KAY SIR KHAEL! BAKIT HINDI MO NALANG IPAIMBESTIGAHAN KAY ADRIAN!? BAKIT KAILANGAN KO PANG MAKIPAGRELASYON!?"
ETHAN'S POV
Ipaimbestigahan?
Hindi pwede dahil kapag pina-embistagahan ko yon ay malalaman ng lahat ang tungkol sa pagkatao ni Natalie.
Hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa kahit kanino, kundi kay Ashley lang. Ang asawa ko lang ang paraan para mahuli ko si Poseidon.
"Ash, walang pwedeng makaalam na pinaghihinalaan natin si Khael."
"Pero bakit kuya!?" malakas na irit nito na alam kong ayaw na ayaw nya.
Natahimik ako at hindi masagot si Ashley dahil na ko-corner ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ang totoong dahilan kung bakit ayaw kong paimbestigahan sa iba ang tungkol sa pagkatao ni Khael ay nangangamba akong...
Malaman ni Ashley at ng mga kasamahan ko na buhay pa ang girlfriend ko.
Kasi kung malalaman nila ang plano ko na tulungan si Natalie na ibalik ang dating buhay nito ay mag seselos si Ash at ako na naman ang mag mumukhang masama!
Magiging gulo na naman to!
Kaya mabuti pang maging lihim muna ang lahat sa ngayon.
Kailangan ko munang makumpirma na si Khael nga talaga si Poseidon.
"Ash, masyadong mautak at mahusay si Poseidon kaya dapat palihim tayong kumilos. Kasi kung ipapaalam pa natin to sa iba, sigurado akong malalaman at malalaman ng kalaban ang plano natin." yun nalang ang nai-reason ko kay Ashley kasi na corner na ako at wala na akong maisip na dahilan.
Ang bullshit ko nga siguro dahil ginagamit ko ang kakitidan ng utak ni Ashley alang-alang kay Natalie.
Nag pout si Ash habang ang mga luha ay patuloy pa din sa pagbagsak, "Ganun ba talaga sya kagaling kuya?"
Hmm...
I'm sorry Ash I have to do this.
Dinala ko ang dalawa kong braso sa katawan ni Ashley at pinulupot ito dito. I pulled her small body to mine and gave hed a tight hug.
Almost squeezing her small body.
"Kuya..."
"Ash gawin mong para sa akin."
ASHLEY'S POV
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...