VIOLET'S POV
"Brix oh."
Inabot ko kay Brix ang baso ng tubig. Nakaupo sya sa lounge sofa dito sa sala at tulala sa kawalan. Kinuha nya ang baso na inabot ko pero hindi nya ininom yon.
Basta hinawakan lang nya yon at natulala sya.
Hindi ko alam kung anong iniisip nya pero alam kong namo-mromblema sya tungkol sa tatlo naming parating na baby.
"Triple puyat yan." Hagikhik ni Claude at hindi sya nakakatulong dahil mas pinapalala lang nya ang kaba ni Brix.
Hanggang sa kinuskos na ni Brix ang mukha nya ng dalawa nyang palad na para bang nagpapahiwatig lang na ayaw nyang panindigan ang tatlong bata.
Sigh.
Naupo ako sa tabi ni Brix at nang makaupo ako ay inabot ko ang isa nyang kamay. Lumingon sa akin si Brix para titigan ako kaya naman nginitian ko sya.
Ni rub ko ang kamay nyang nanlalamig gamit ang dalawa kong palad para naman pawiin ang kabang nararamdaman nya.
"Natatakot ka ba? Kung gusto mo, mag ha-hired tayo ng maid para may katulong tayo sa pag-aalaga sa baby---" sabi ko kay Brix pero binalot nya ng mga daliri nya ang maliit kong kamay.
He shook his head and spoke, "Ayoko Violet. Tayong dalawa lang ang mag-aalaga sa kanila."
Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto nya dahil parang labag naman sa loob nya. Nahimatay pa sya kanina sa gulat nang malaman nyang triplets ang baby na dinadala ko.
"Brix sigurado ka ba?" Pangungumpirma ko sa kanya.
"Oo nga sigurado ka ba?" Claude chuckled and elbowed Brix on his ribs.
Kasi medyo nakakagulat ang desisyon ni Brix. Masyadong malaking responsibilidad ang alagaan ang tatlong bata, baka hindi namin kayanin pareho.
Pero ang mga matang nakatitig sa akin ni Brix ay nagsasabi lamang na buo na ang desisyon nya. Na hindi ko na mababago pa yon.
"Brix..." I uttered weakly.
Hanggang sa nakita kong ngumiti sa akin si Brix at muling nagsalita, "Alam kong napaka biglaan ng lahat at medyo nagulat ako pero gusto kong tayong dalawa lang ang mag alaga sa bata. Gusto ko maging hands on tayong dalawa sa kanila." He explained.
Napatitig ako at pinang-urungan ng dila dahil sa mga narinig ko pero paglipas ng ilang segundong pananahimik ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na ngumiti.
"Brix." Mahinang tawag ko sa kanya at mabilis na niyakap sya sa braso ko. Ang malalakas na braso din nito ay agad nyang iniyakap sa akin.
I nestled my head against his chest.
Naramdaman ko ang labi ni Brix na dumampi sa itaas ng ulo ko, "Kaya natin to Violet." He whispered at me. Mas humigpit pa ang yakap namin sa isa't isa na animo'y nakalimutan namin na tinitingnan kami ng mga kaibigan namin dito sa sala.
Pero hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na yakapin sya. Sobrang nakakatuwa lang kasi na kahit alam kong hindi kami handa magkaroon ng tatlong anak ay nagawang tanggapin yon ni Brix at desidido syang alagaan yon ng kaming dalawa lang.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...