One year later...
ETHAN'S POV
Naglakad kami ni Clint palabas ng Airport. Si Dillon naman ay buhat-buhat ko sa braso ko.
Pagkalipas ng isang taon na pagtira ko sa Yukon, Canada ay bumalik na kami ng Pilipinas ng mga anak ko.
Sa loob ng isang taon ay nakapag gain na ako ng lakas ng loob at bahagyan naka move on na sa pagkawala ng asawa ko.
Sa ngayon ay may mga bagay akong dapat ayusin...
"Makikita ba natin si Ninong Adrian?" Tanong sa akin ni Clint habang naglalakad kaming dalawa. Akay akay ko sya sa paglalakad nya.
Sumulyap ako sa kanya at ngumiti.
"Yeah, sigurado akong na miss ka ng ninong mo." I replied.
Nakakasigurado ako doon.
.....................................................
Nag taxi kami nina Clint at Dillon papunta sa bahay ko.
Nang sandaling nakarating na ako sa bahay ay nagsimula na muling kumabog ng malakas ang puso ko.
Nakatigil ang taxi sa harapan ng gate ng bahay ko at nakatingin lang ako sa bintana.
Isang taon na ang lumipas pero walang pinag-bago ang lugar na to. Kung paano ko sya iniwan ay ganun ko din syang dinatnan.
Ang pinatitibok nito ng malakas ang puso ko.
Napaka dami naming ala-ala dito ni Ashley. Sobrang dami at nasasaktan pa din ako, pero ang isang taon na pagpapalakas sa loob ko ay sapat na para harapin ang sakit.
Dahil kailangan kong maging matatag alang-alang kay na Clint at Dillon.
Kahit sobrang sakit na sa akin ang lahat.
At sa sandaling to ay nahuli ko na naman ang sarili kong pumatak ang luha kaya napahagikhik ako kasi kahit tibayan ko ang loob ko, masakit talaga na iniwan na nya ako ng ganun ganun lang.
Huminga ako ng malalim at pinahid ang luha ko.
"Let's go Clint and Dillon." -I
Tumango ang dalawang bata sa akin kaya naman binuksan ko na ang pintuan ng kotse. Binuhat ko ang dalawang bata sa braso ko at lumabas ako ng taxi.
Ang taxi driver ay nilabas ang bagahe ko.
Sa paglabas ko ng taxi ay...
"Boss Ethan!"
O. O
Narinig ko agad ang boses nina Phoebe, Kit at Leo. Lumingon ako sa may gate at nakita na nagtatakbuhan silang tatlo palapit sa akin. Kasama nila ang ibang mga bodyguards dito.
Lumabas sila ng gate at nang sandaling makalapit sila sa akin ay agad nila akong niyakap.
"Boss Ethan!" Tuwang tuwa na sabi nina Phoebe, Kit at Leo pero nagbagsakan ang luha nila.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Storie d'amoreAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...