ASHLEY'S POV
Naglakad kami ni Sir. Khael papunta sa condo unit namin ni kuya.
Ihahatid na nya kasi ako ngayon dahil sinabi ko sa kanya na matutulog na ako. Sapat na din sa akin ang binigay nyang yakap para palakasin ang loob kong harapin si kuya mamaya.
Nang makarating na ako sa pintuan ng unit namin ay hinawakan ko ang doorhandle at binuksan yon.
Hindi ko binuksan ng bukas na bukas ang pintuan dahil baka mamaya ay nandito na si kuya.
Humakbang ako papasok, nang nasa loob na ako ng unit ay sumilip ako sa maliit na butas ng pintuan at tumingin kay Sir. Khael.
Nakatayo lang sya sa tapat ng pintuan ng unit namin.
"Hindi na ba ako pwedeng pumasok?" Hagikhik ni Sir. Khael habang nakatitig sa akin. Nahalata nya yata na wala na akong balak na papasukin sya.
Nag shy smile ako sa kanya, "Bukas nalang ulit tayo mag-usap Sir. Khael sa office mo hehe." Sagot ko sa kanya.
Humagikhik muli ito at dinala ang isang kamay sa pisnge ko tsaka...pinisil yon.
Medyo pinamulahan ako ng mukha sa ginawa nya.
"Ganun ba? Then, see you tomorrow." He said.
Hindi muna nya inalis ang pagkakapisil sa pisnge ko ng ilang segundo. Lumipas ang ilan pang oras at tsaka na nya binitawan yon.
"I'm leaving." Sir. Khael added.
Nag nod ako sa kanya at pagkatapos ay tumalikod na sa akin si Sir. Khael. Pinanood ko syang humakbang palayo, tinahak ang hallway hanggang sa...
Tuluyan na syang nawala sa paningin ko.
Kaya sinara ko na ang pintuan ng condo unit na to. Sinandal ko ang likod ko sa pintuan at hinawakan ang dibdib ko.
Pinakiramdaman ko ang malakas na tibok ng puso, kabadong kabado ako sa mga oras na to pero sa kabila ng kabang yon ay hindi ko maitatangging may hatid na saya ang naging usapan namin ni Sir. Khael.
Maliwanag na sa akin ang nararamdaman ko.
I...
I love my boss.
(Creaking door sound)
O. O
Umabante ako ng konti dahil nagbukas ang pintuan na kinasasandalan ko. Humarap ako doon para malaman kung sino ang taong magbubukas ng pintuan at sa pagharap ko...
Nagsimula na muling kumabog ang dibdib ko sa malakas na paraan, ang takot at kaba na pilit kong kinalimutan ay mabilis na nag balikan sa akin.
"K-Kuya." Nabigo akong magsabi ng mga salita kaya naman pangalan lang nya ang nagbigkas ko.
Humakbang si kuya papasok at sinara ang pintuan. Ang itim nitong mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...