ADRIAN'S POV
Nasa kwarto kami ni Ethan at kasama ko si Dite.
Nakaupo ako sa lounge sofa katabi ang kapatid kong masisiraan na ng bait dahil kay Ashley. Nakayuko sya, ang siko ay nakapatong sa hita nya at paulit-ulit nyang nira-rub ng mukha nya ng dalawa nyang palad.
Si Dite ay nasa kama ni Ethan at pinapatulog sina Clint at Dillon.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Ashley at umalis na naman ang isang yon?" I asked him.
Madiin na ni rub ni Ethan ang mukha nya bago humarap sa akin at talagang ubos na ang pasensya nya kay Ashley. "Alam mo kuya, punong-puno na ako sa babaeng yon! Lagi nalang syang nawawala na para bang wala syang anak at asawa!" He said angrily.
Naiintindihan ko naman yon, palagi syang ginaganito ni Ashley simula palang at nakakapikon nga naman ang ugali nya pero, "Baka may rason kung bakit sya lumalayo." I said.
Aminim man natin o hindi, may kakaiba kanina kay Ashley. Hindi nya ako marecognize at napagkamalan pa nyang ako si Ethan.
Nabanggit din sa akin nina Cane, Claude at Brix na hindi din sila makilala ni Ashley. "Ipa-check up natin si Ashley once na bumalik ulit sya. Something wrong with her mental health." I said.
Natahimik nalang si Ethan pagkatapos noon at sinandal ang likod sa sandalan ng sofa board.
Bakas sa mukha nito ang pagka-asar at galit. Hindi mo sya masisise, limang buwan na nawala ang asawa nya at nagpakita lamang ng konting sandali at maglalaho na naman ng parang bula.
Napaka wirdo talaga ni Ashley.
Bakit ba naman kasi kulang-kulang ang isang yon?
ASHLEY'S POV
Nakahiga na ako sa kama ko. Katabi ko ang nurse ko at tulog na sya pero ako ay hindi dapuan ng antok.
Binabagabag kasi ako ng isipan ko tungkol kay kuya.
Simula nang makita ko ang mukha nya ay hindi na sya maalis sa isipan ko. Para bang ang lapit-lapit ng loob ko sa kanya?
Pero sabi ni Max masamang tao sina kuya, pero bakit ng oras na yakapin nya ako at halikan iba yung dating sakin. Punong-puno yon ng pag-aalaga at pagmamahal na para bang busilak ang kalooban ng taong yon.
Hmmm...
Gusto ko ulit syang makita bukas.
ETHAN'S POV
The next day...
Pumasok ako sa kompanya buhat-buhat si Dillon at akay-akay si Clint. Nakasunod sa akin ang dalawa kong assintan.
Habang naglalakad na papunta sa may elevator ay...
"Ethan!"
Nakarinig ako ng pamilyar na boses. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko at ilang sandali pa ay naabutan na ako ng pamilyar na boses na yon.
Hindi ko na sya nilingon pa dahil ano na naman bang ginagawa nya dito sa kompanya ni Adrian.
Sumabay si Margarret sa paglalakad ko.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...