NOAH'S POV
Hinabol ko si Yeji hanggang sa makarating kaming dalawa sa kwarto namin. Buhat-buhat ko lang si Iya.
Nang makarating kami sa kwarto namin ay lumapit ako kay Yeji. Nakaupo sya sa kama at nakayakap sa unan, umiiyak din ang isang to.
Ngayon ko lang nakita si Yeji na nagkaganito.
Ito kasi ang unang beses na nag selos sya at hindi ko akalain na iiyak sya.
"Yeji, mag usap tayo." Mahinahong sabi ko sa kanya nang malapitan ko sya. Naupo ako sa kama katabi nya at kinalong si Iya.
"Wag mo kong kausapin Noah!" Mataray na sabi nito sa akin at mas yumakap ng mahigpit sa unan.
Napabuntong hininga nalang ako sa pinakita nya. Kasi naman hindi ko akalain na pag seselosan nya ng husto ang bagay na yon.
"Yeji, ano bang kinaseselos mo---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay mabilis na nagsalita si Yeji na gigil na gigil sa akin. "Tinanong mo pa talaga! Akala mo hindi ko alam na nagustuhan mo dati si Ashley!? Tsaka bakit mo sya inangkas sa motor mo!? Kung aangkas ba ano sa motor ng ibang lalake, hindi ka ba magagalit ha!?"
"Huwag kang magkakamaling umagkas!" I shouted at Yeji.
Nagkatitigan kaming dalawa pagkatapos kong sabihin ang bagay na yon. Tsaka ko lang din napagtanto ang naging response ko, kasi mukhang alam ko na yata kung ano nga talaga ang kinagagalit ni Yeji.
Sigh.
"Fine Yeji. Hindi na mauulit, pasensya ka na." Sabi ko kay Yeji.
Kung ako din naman ang nasa sitwasyon nya mag seselos ako at baka masunggaban ko din ng suntok ang lalakeng aangkasan nya.
Pero kasi...
Wala naman akong gusto kay Ashley, nakaraan na namin yon at mga bata pa kami noon. Kaibigan nalang at tingin ko kay Ashley at ayoko ng balikan ang mga kalokohan namin dati.
"Galit ako kay Ashley." Sabi ni Yeji.
"Yeji, hindi mo naman kailangan magalit sa kanya. Nakaraan na ang saming dalawa ni Ashley, wag na nating balikan. Sa inyo ng dalawa ni Iya umiikot ang mundo ko."
Paliwanag ko kay Yeji dahil ayokong pag isipin syang masyado. Totoo naman kasing sya na ang babaeng mahal ko at handa akong gawin ang lahat para sa kanilang dalawa lang ni Iya.
Hindi nya ako kailangan pag dudahan ng ganito.
Nag pout si Yeji at tinitigan ako ng ilang segundo na para bang nag iisip sya kung maniniwala sya sa akin o hindi.
"Ikaw ang mahal ko Yeji." Muling sabi ko rito para iparamdam sa kanya na mahal ko sya.
Nakumbinsi ko naman ang isang to at gumapang sya sa kama palapit sa akin tsaka niyakap kami ni Iya sa braso nya.
Niyakap ko din si Yeji at hinalikan ang itaas ng ulo nito na sa tuwing nasa ganito kaming sitwasyon ay nanggigigil ako sa kanya. Tuluyan ng nahulog ang loob ko sa babaeng to at sigurado na ako sa kanya.
Sya lang ang gusto kong makasama hanggang dulo.
I love her so much.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansaAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...