HE JUST WANT TO TAKE BACK WHAT WAS ONCE HIM

142 19 0
                                    

ETHAN'S POV


Umalis ako sa construction site at dumiretso sa mall para bumili ng laruan ng anak ko.

Maliit lang ang kinita ko ngayong araw pero sapat na to para maibili ng Robot si Dillon.

Nang oras na makarating ako sa toy store ay naghanap agad ako ng Robot toy. Pero nasilaw ako sa malalaking presyo ng mga ito at hindi sapat ang pera ko para makabili miski isang maliit man lang.

Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas sa toy store.

Baka sa palengke nalang ako bumili ng laruan ni Dillon. Hindi ko din naman kayang umuwi ng walang dalang laruan para kay Dillon.

Lumabas ako ng mall at nag lakad papunta sa pinaka malapit na palengke.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako doon at nag hanap ng mga robot toy. Nag lakad lakad ako habang tumitingin sa mga laruan at hindi mapigilang mapangiti.

Mura lang ang presyo ng mga ito at makakabili ako ng dalawang robot toy. I should buy Clint to.






GEOFF'S POV

Nasa mall kami ni Ashley at nag lilibot sa toy store.

Bago kasi ako umalis sa bahay ay nanghingi ng toy ang anak ko. And Clint asked for an airplane toy.

Ibinili ko na din ng laruan si Dillon dahil ayoko namang mag kakainggitan sila ni Clint.

"Geoff ok na ba? Gutom na ako!" narinig kong sabi ni Ashley at nakahawak sa tyan nya.

Napahagikhik ako sa kinilos nya. Sobrang cute ng babaeng to at sa bawat araw ay mas nahuhulog pa ako sa kanya.

Dahil nga sa nag rereklamo na si Ashley ay dumampot na ako ng dalawang airplane toy.

"Fine. Kakain na tayo." I chuckled.




ETHAN'S POV

Nang makabili na ako ng laruan ay umuwi na din agad ako sa bahay. Hindi na napawi ang ngiti sa labi ko simula nang maibili ko si Clint at Dillon ng laruan.

Ang tagal kong taon na nawala at gusto kong bumawi sa lahat ng pag kukulang ko. Simula ngayon ay mag sisikap ako para lang maibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak ko.

Pumasok ako ng loob ng bahay at naglakad papunta sa sala. And the moment I reached the living room, I found Clint and Dillon there.

Nandoon din si Dite at Ares. Naglalaro ang tatlong bata at si Dite ang nag babantay sa kanila.

"Dillon. Clint!" tawag ko sa dalawa kong anak. Tinigil nila ang paglalaro at sabay sabay na tumingin sa akin.

Tulad ng inaasahan ko ay pinagsalubungan ako ni Clint ng kilay na parang nagalit na naman sya sa akin. Tumakbo ito palapit kay Dite at yumakap doon.

"Daddy Ethan!" pero si Dillon ay nag madaling tumakbo palapit sa akin. Lumuhod ako at binuka ang mga braso ko para salubungin ang anak kong palapit sa akin.

Nang makarating sya sa pwesto ko ay yumakap sya ng mahigpit sa akin. I wrapped my arms too around his small body and gave my son a tight hug.

"Daddy Ethan. Is that my Robot?" tuwang tuwang sabi ni Dillon at tinuturo ang hawak kong plastic. Visible kasi mula sa loob ng plastic ang laruan.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now