TALIA'S POV
Pumunta kami sa office ni Ethan.
Nakaupo si Ethan sa table nya kalong-kalong ang bunsong anak nito. Si Clint ay nasa lounge sofa kalaro ang dalawang assistant ng Presidente ng kompanya na to.
Naglakad ako papunta sa harapan ng office table.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil hindi ako tinitingnan ni Ethan. Ang buong atensyon nya ay na kay Dillon.
Habang tinititigan si Ethan na kalong-kalong ang maliit na bata na kamukha nya ay nagdudulot ng sakit sa dibdib ko. Ang hirap pa din tanggapon na pamilyadong tao na sya.
Sa loob kasi ng apat na taon, minahal ko sya. Naging sigurado na ako sa kanya pero sa isang idlap lang nawala na lahat ng pangarap ko.
Na kahit anong gawin ko hindi mapupunta sa akin ang lalakeng to dahil kahit naman nagsama kami ng apat na taon ay hawak ni Ashley ang puso nya.
Ashley owns Ethan' heart.
"Hinfi ka ba magsasalita?" Ethan started.
Halos tumalbog ang puso ko paalis sa katawan ko dahil sa sinabi ni Ethan. His cold, deep baritone voice makes me nervous and it quickened my pulse.
Tumunghay si Ethan mula sa pagkakatitig nya sa bunso nyang anak at tinagpo ang mga mata ko. Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na matitigan ang itim nyang mata.
Nire-recflect nito ang mukha ni Talia.
"Natalie, nandito ka lang ba para tumayo sa harapan ko?" Ethan said again.
Nawala ako sa pagkakatulala ko sa maganda nyang mata nang magsalita ulit ito. Nakakaparalisa kasi ang itim na iris nya at muntik ko ng makalimutan ang pakay ko dito.
I cleared my throat before I speak, "Ethan...alam kong wala akong karapatan na lumapit sayo. Masyado kong madaming problema na naidulot sa mga kaibigan mo at sa inyo ni Ashley---"
"Talia be blunt." Ethan said.
Hmmm...
Sandali akong natigilan at naghanap ng lakas ng loob na magsalita. Nakatitig lamang sa akin si Ethan at na pe-pressure ako sa binibigay nyang tingin, na pakiramdam ko kailangan kong magsalita dahil masasayang ko amg oras nya.
Nawalan na din naman ako ng choice kundi ang huminga ng malalim at maging direkta sa pakay ko.
"Ethan, tulungan mo kong...makatakas kay Khael." I said at him.
ETHAN'S POV
Lumalim ang tingin ko dahil sa hinihinging tulong sa akin ni Natalie.
Natahimik ako noong una hanggang sa mapagana ko ang isipan ko at muling nagsalita.
"Sinasaktan ka ba nya?" Tanong ko dito.
Nanlake ang mga mata nya at yumuko, "H-Hindi naman." Pautal-utal na sabi nito.
Kilala ko si Natalie, ang ganitong reaksyon nya ay nagpapahiwatig lamang na nagsisinungaling sya at pinagtatakpan nya si Khael.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...