ETHAN'S POV
Nag lakad ako papunta sa sala buhat-buhat si Dillon at hawak hawak ang tray. Si Clint naman ay nakahawak sa pants ko at naglalakad din kasabay ko.
Nang oras na makarating ako sa sala ay...
Nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa lounge sofa at kagaya ng sinabi ni Clint at si Natalie nga ang nandito.
Lumingon sa direksyon namin si Natalie at nang oras na makita nya ako ay ngumiti sya. Naglakad pa ako palapit sa kanya, pinatong ang tray sa table at naupo sa lounge sofa katapat nya.
Kalong-kalong ko lang si Dillon, si Clint naman ay naupo sa tabi ko.
"Sinong kasama mong pumunta dito?" Tanong ko sa kanya dahil delikado kay Natalie ang magpalabas-labas. Sigurado ko oras na makita sya ni Khael ay kukumbinsihin nya ang taong to na bumalik sa kanya.
Hindi pa din kasi tinititigila ni Khael si Natalie. Yun ay dahil sa sj Khael ang nag retoke kay Natalie bilang Talia at ang dami nyang panahon na ginugol para lang makamit ang perpektong paghulma ng mukha namatay nyang asawa.
"Kasama ko yung ilang tauhan ni Adrian papunta dito." She replied.
"Natalie alam mo namang delikado ang maglalabas sayo hindi ba? Baka mamaya ay magkasalubong kayo ni Khael at bitbitin ka nya sa poder nya." Paalala ko sa kanya.
Pero humagikhik ng mahina si Natalie, "Pero Ethan ang daming buwan ko ng nagtatago sa mansyon ni Adrian. Gusto ko din namang magpahangin man lang."
Hmmm...
Sa bagay may punto sya, hindi sya pwedeng habang buhay na magtatago sa mansyon ng kapatid ko.
"Kung ganun ay lagi kang mag iingat Natalie. Siguraduhin mong palagi mong kasama ang mga bodyguards ng kapatid ko." I said.
Ngumiti ito sa akin at tumango.
"By the way Ethan, kaya pala ako pumunta dito gusto ko sanang magpasama sayo sa hospital." -her
Hospital?
Tinitigan ko si Natalie dahil sa sinabi nya, kalong-kalong ko lang si Dillon. "Bakit ka pupuntang hospital? May masama ba sa pakiramdam mo?" Tanong ko rito.
Humagikhik ito at umiling tsaka sinabing, "Hindi naman sa ganun Ethan."
Hinawakan ni Natalie ang anim na buwan nyang baby sa tyan nya, iginulong-gulong ang palad dito at muling nagsalita, "Gusto ko kasing ipa ultrasound ang baby ko. Gusto kong malaman ang gender nya."
Dahil sa sinabi nya ay napangiti din ako.
"Sige Natalie, sasamahan kita. Pero aayusin ko muna ang schedule ko, hindi kasi ako makakaalis ngayon." I explained.
"Yeah, ok lang. Hindi naman ako nagmamadaling mag pacheck up. Isa pa ay sinadya ko din talaga bisitahin dito sina Clint at Dillon." She said.
Pagkasabi nya noon ay tumingin ako kay Clint, "Give your tita a hug." Sabi ko sa anak ko at tumango naman sa akin si Clint.
Bumaba si Clint sa lounge sofa at tumakbo sya palapit kay Natalie. Nang oras na makalapit sya kay Natalie ay yumoko si Natalie upang makapitan sya ni Clint.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...