LET'S FIX THINGS ABOUT US

119 14 0
                                    

BRIX'S POV

Inangat ko ang hawak kong champagne glass at dinala sa labi ko. Ininom ko ang champange.

Nandito ako ngayon sa bar at nakaupo sa may counter table. Nakatitig lang ako sa barista na nasa counter at nag mi mix ng mga drinks.

Lutang ang diwa ko at hindi makapag isip ng ayos.

Minamanhid ko lang ang sarili ko sa alak. Ang sakit kasi na isipin ng isipin kung bakit nagawa sa akin ni Violet ang bagay na yon.

5 to 6 months ago?

Hindi ba at karelasyon ko sya noon, ibig sabihin ba nag cheat talaga sya sa akin at totoong may relasyon sila ni Jed? Pero pano kung nagkamali ako, pano kung totoong lasing talaga si Violet nung mga panahon na yon at pinagsamantalahan lang sya ni Jed?

Hindi ko alam kasi wala naman ako doon, tang ina.



Ayokong pagdudahan si Violet dahil alam ko kung gaano sya kabuting tao. Kung gaano sya katino, pero kasi ang sakit lang sa akin ang lahat.

Pakiramdam ko pinagkaisahan ako, yung ganung pakiramdam at nakakapang lambot.

Napapaisip tuloy ako kung may kulang ba sa akin, kung may mali sa akin para umabot sila ni Jed sa ganoong punto.

Sa loob ng apat na taon, sya lang ang babaeng minahal ko at sa kanya lang umikot ang mundo ko. She was my first love, noong nakita ko sya alam kong sya na talaga at ayoko na syang pakawalan pa.

Ayoko na ng iba kasi nakita ko kung gaano nakaka turn on si Violet. Nakita ko ang kaibahan nya sa ibang babae.

She's sweet, napaka busilak ng puso nya, napaka tapang, wife material, and she's almost perfect! Wala ka ng hahanapin pa kasi nasa kanya na ang lahat.

At walang wala sa isipan ko na aabot sya sa ganito. Bakit kailangan mong gawin ang bagay na yon with Jed samantalang binigay ko ng buong-buo sayo ang tiwala ko!





Ibinaba ko ang baso ng alak sa counter at pinatong ang dalawang siko ko sa counter. Ang dalawa kong palad ay kinuskos-kuskos ko sa mukha ko.

Litong-lito lang ako at pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa pag-iisip.





"Hey..."



Nawala ako sa pagmumukmok ko nang may naramdaman akong palad na dumapo sa likudan ko kaya naman lumingon ako sa likuran ko.

Nakaupo lang ako sa upuan ko.

Sa paglingon ko ay may nakita akong isang babae na nakatayo sa likudan ko at nakasuot ng red na halter dress. Sobrang lapit nya sa akin kaya naman halos tumama ang malusog nyang dibdib sa mukha ko.

Umaatras ng konti ang mukha ko para lamang hindi dumikit ang mukha ko sa dibdib nito.

Then I gaze up at her.





"Long time no see." -her





O. O

Habang tinititigan ang babae ay nagsisimulang kumabog ng malakas ang puso ko. Dahil namumukhaan ko sya.

Kung hindi ako nagkakamali, sya ang babaeng naka one night stand ko bago kami mag break ni Violet months ago.

Tinitigan ko lang ang babae at nabigo akong magsalita. Hindi ko inaasahan na makikita ko na naman sya dito sa bar.



Humagikhik ang babae at naupo sa tabi ko.

Ang isa nyang siko ay pinatong nya sa counter sink at humalumbaba sa harapan ko habang nakatitig sa akin ng malagkit.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now