UNCONTROLLABLE

123 17 0
                                    

ETHAN'S POV

Nasa kusina lang ako at nakaupo sa lamesa kasama ng dalawa kong anak. Kumakain na sina Clint at Dillon dahil nainip na silang hintayin ang ina nila.

Tapos na akong magluto pero hindi pa din bumababa ang babaeng yon!

Hindi ba at dapat kanina pa din syang tapos na maligo at mag-ayos!




Ano na naman bang pinaggagawa ng babaeng yon?





Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tumingin kay na Clint at Dillon. Tumingala din ang dalawa kong anak para tumingin sa akin.







"Clint, Dillon. Aakyat lang ako para tingnan ang mommy nyo. Wag muna kayong aalis dito."






Tumango ang dalawa kong anak kaya naman tinalikuran ko na sila. Naglakad ako paalis sa kusina at pumunta sa sala.

Nang oras na makarating ako sa sala ay dumiretso ako sa pag-akyat nang hagdan. I reached the second floor of the house, pinagpatuloy ko lang ang paglalakad papunta sa kwarto.



Pagkalipas ng ilang segundong paglalakad ay nakarating na ako sa kwarto namin ni Ash. Hindi ako nag-aksaya ng oras at binuksan ang pintuan.


(Creaking door sound)




Sa pagbukas ko ng pintuan ay...





O. O





Nakita ko ang asawa ko na nakaupo sa kama at may nakapatong na laptop sa hita nya. May hawak din itong tsitsirya at yun ang kinakain nya.

"Ashley?" Medyo naasar ako sa nadatnan ko kasi tang ina kanina ko pang hinihintay ang babaeng to na bumaba sa sala para kumain ng lunch.

Pero makikita ko na nandito sya sa kwarto, kumakain ng junk food at nanood ng movie sa laptop nya samantalang pinagluto ko pa sya ng lunch.

Tumingin sa akin si Ashley at pinagsalubungan ako ng kilay at pagkatapos ay muli syang tumingin sa laptop.

Dammit.


Gumawa ako ng malalaking hakbang palapit kay Ashley, nang oras na makalapit ako sa tabi nya ay hinablot ko ang hawak nyang tsitsirya.



"Ahhh! Ano ba!?" Galit na sigaw nito at pilit na inaabot ang tsitsirya nya pero hindi ko yon ibinigay sa kanya.






"Ashley! Diba sinabi ko naman sayo na nagluto ako ng lunch! Bakit itong lintik na tsitsirya ang kinakain mo!?" Tumaas ang tono ko sa kanya.

Inalis ni Ashley ang laptop sa hita nya at tumayo sa kama. Nag crossed arm ito at tinitigan ako ng sobrang lalim, "Diba sinabi kong galit ako sayo!"

Inangat ko ang isa kong kamay dahil sa sinabi nya at hinawakan ang braso nya, "Ashley! Ano bang kinagagalit mo? Wala naman akong ginagawa sayo hindi ba!?"



Pagkasigaw ko ng bagay na yon ay hindi nagawang magsalita ni Ashley. Nanatili syang naka crossed at nginuso ang mga labi, hanggang sa napansin ako ang pamumuo ng luha nya.

Ibinagsak nya ang katawan nya padapa sa kama at kasunod na noon ay ang malakas nyang pag-iyak, "Basta galit pa din ako sayo!" She whined.

Damn.

Pinagmasdan ko si Ashley na nakadapa sa kama at humahagulhol. Parang sasabog na ang utak ko sa pag-iisip kung bakit nagkaganito na naman ang isang to.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now