MARGAUXE'S POV
Nasa top ko si Hunter at nakahiga ako sa kama. Hindi ko sya magawang tingnan ngayon dahil tang-ina sobrang nakakahiya na nahuli nya akong...
Bakit ba kasi nandito pa ang isang to?
Hindi ba at sinabi kong umalis na sya, pero pumasok pa sya dito sa kwarto.
"Hunter! Teka..." mahinang sabi ko nang maramdaman ko ang palad nitong nasa balikat ko at hinihigit na pababa ang sleeve ko.
Damn.
Gustong-gusto ko syang itulak palayo pero hindi ko magawa dahil kailangang kailangan na may mangyari sa pagitan namin alang-alang sa utos ni Poseidon.
Flashback << >>
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Khael dahil pinapatawag nya ako.
Nang oras na makarating ako sa kwarto nya ay hinawakan ko ang door handle at binuksan ang pintuan. Narinig ko pang nag creak ang pintuan nang dahan-dahan kong buksan yon.
Sa pagbukas ko ay nakita ko si Khael na nakaupo sa single seater sofa at may hawak na baso ng wine sa kamay nya. Ang isa naman nyang kamay ay may hawak na stick ng sigarilyo at amoy usok na naman dito sa kwarto nya.
Depressed na depressed ang isang to simula nang mawala si Ashley at ganun din si Talia.
"Khael..." mahinang tawag ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin at dinala sa bibig nya ang sigarilyo, humit muna ito bago magsalita. "Come in." He said in a normal tone.
Kagaya ng sinabi nya ay naglakad ako papasok at pumunta sa harapan nya. Tumayo lang ako ng tuwid at tinitigan sya ng tahimik.
"Kamusta ang pinapagawa ko?" He asked.
Hmmm...
Sigurado akong ang tinutukoy nya ay ang relasyon ko kay Hunter.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Storie d'amoreAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...